Mabibigat ang hakbang na nilisan ko ang komedor. Ilang beses kong pinahid ang aking mga luhang walang habas sa pagtulo.
Hindi ko gusto ang plano ni Kuya! Ayaw kong makasama sa iisang bubong ang lalaking iyon! Hindi ba niya naisip na baka kung anong gawin na naman sa akin ni Kismet.
"Jaycelle Cleo!" malakas na tawag sa akin ni Kuya Rei pero hindi ko siya nilingon. Ngayon lang ako nainis ng ganito kay Kuya. Kahit na ayaw ko namang magalit sa kaniya ay hindi ko mapigilan.
Nang makarating sa kuwarto ko'y padabog kong isinara ang pinto at kaagad na dumapa sa kama. Doon ko ibinuhos ang lahat ng sama ng loob ko. Wala akong tigil sa pag-iyak.
Hindi ko alam kung hanggang anong oras akong umiyak. Basta bigla ko na lang naramdaman ang pagbigat ng mga talukap ko.
—
"You're Elle, right?" taas ang kilay na tanong sa akin ni Kismet. Kilala ko siya dahil anak siya ng isa sa mga kaibigan ni Daddy. Kaibigan rin siyang matalik ni Kuya at Indigo.
"Ako nga..." seryosong sagot ko bago ipinagpatuloy ang pag-aayos ng aking buhok. Indigo's outside with my brother. Birthday ngayon ni Mommy kaya imbitado silang lahat. Kaya nag-aayos ako dahil ayaw kong lumabas na kahiya-hiya ang hitsura.
Napansin ko ang paggala ng tingin ni Kismet sa buong kuwarto ko. Ano bang kailangan niya sa akin? Hindi naman kami close.
"You're only ten and yet you already know how to flirt." patuya niyang sabi bago namewang sa harap ko.
Awtomatikong kumunot ang aking noo nang makita ang pagtataray niya sa akin. "Ano bang problema mo? May gusto ka ba kay Indigo?"
Mahinang tumawa si Kismet bago dinampot ang kulay pink kong suklay. "Kapag sinagot ko iyan, sasabihin mo ba kay Indigo? Sino kayang pipiliin niya sa ating dalawa? Ako na kasing edad niya o ikaw na halos kapatid niya na?" Sumama ang tingin ko kay Kismet nang marinig ang sinabi niyang iyon. "Sa tingin ko naman ako ang pipiliin ni Indigo, mas makakapagbigay aliw ako sa kaniya, hindi katulad mo, little bitch." mariin niyang dugtong.
Pinigil ko ang sariling maiyak sa insultong natamo mula kay Kismet. Napakatalim na ng tingin ko sa kaniya at nakakuyom na rin ang mga kamao ko. "Get out!" inis kong sabi.
"Ohh, are you crying little b***h? Magsumbong ka kay Indigo. Sabihin mong inaaway kita, tingnan natin kung sinong kakampihan niya." sabi pa ni Kismet bago umalis sa kuwarto ko.
Noon ko pinakawalan ang aking mga luha. Hindi naman dapat ako umiiyak dahil alam ko namang hanggang crush lang ako kay Indigo. Pero hindi ko mapigilan ang mga luha ko dahil nasaktan ako sa sinabi ni Kismet.
Kung magsusumbong nga ko kay Indigo sino nga bang kakampihan niya?
Ah, baka nga si Kismet. Ang pagkakatanda ko kasi'y may balak si Indigo na ligawan si Kismet.
—
Malamig na hangin mula sa nakabukas na bintana ang nagpagising sa akin. Pupungas-pungas na tumayo ako para uminom ng tubig sa kusina.
Isang paghingang malalim ang ginawa ko bago pumikit nang mariin. Bakit ba sunod-sunod na bumabalik ang mga alaala kong iyon?
Nakakapikon na!
Kahit ano yatang pag-iwas ko sa nakaraan ay hindi ko iyon matatakasan.
Tahimik na naglakad ako pabalik. Nasa hagdan pa lang ako nang makita ko si Manang Lolit. "Bakit gising pa po kayo?"
"Naku, anak, hindi ako makatulog." pagsagot ni Manang Lolit. May dala itong isang tasa na wala nang laman. "Siyanga pala, ang Mommy mo'y nasa hospital pa rin. Bukas ng umaga ay babalik raw siya rito para kumuha ng ilang gamit. Kailangan daw siya ng Daddy mo sa ibang bansa."
Napapatangong naglakad na lang ulit ako. Naiintindihan ko naman si Mommy at Daddy. Noong nawala si Lola ay malaki ang naging impact niyon sa kanila kaya pinilit namin sila ni Kuya na magpakasaya na lang. Na kami na lang ang bahala sa mga negosyong naiwan nila. Kaya ngayon na palaging wala si Mommy ay ayos lang.
"Elle, anak, ang Kuya Reizon mo nga pala ay umalis na kanina. Hindi na nakapagpaalam sa iyo nang maayos dahil tulog ka. Pero nagbilin naman na tatawag siya bukas para kausapin ka." dagdag pa ni Manang Lolit. Ngumiti na lang ako bilang sagot. "Si ano nga pala..."
Bigla aking napatigil. "Sino po?"
"Si Indigo, lilipat dito para samahan ka."
Awtomatikong umikot ang mga mata ko. "Kasama ba ang asawa niya?"
"Asawa?"
"Uh, nevermind, goodnight Manang." sabi ko na lang bago tuluyang pumasok sa kuwarto ko.
Napapabuntong-hiningang isinarado ko ang pinto ng aking kuwarto. Pagkatapos ay tinungo ko naman ang malaking bintana para iyon naman ang isara. Hindi na ako nag-abalang buksan pa ang ilaw. Sanay naman na ako sa madilim.
Nang matapos ay marahan kong hinubad ang aking damit. Itinira ko lang ang aking mga panloob bago tumungo sa banyo. Gusto kong maligo. Gusto kong magbabad sa tubig. Bigla akong nakaramdam ng banas nang marinig ang mga sinabi ni Manang.
Pinuno ko ng tubig ang bathtub. Pagkatapos ay saka ko tuluyang hinubad ang natitira ko pang mga damit.
Niyakap ng malamig na tubig ang buo kong katawan. Ang sarap sa pakiramdam, kinakalma niyon ang sistema ko.
Mariin kong pinikit ang aking mga mata. Pinilit kong alisin ang mga alaalang unti-unti na namang bumabalik sa isipan ko. Kung maaari'y ayaw ko nang balikan ang mga iyon. Masayang alaala man o hindi. Sakit pa rin naman ang dala niyon.
"You never changed, my sweet little Elle. Hindi ka pa rin nagla-lock ng pinto."
Napamulagat ako nang marinig ang boses na iyon. Akma akong babangon nang mabilis na umupo si Indigo sa gilid ng bathtub. Pagkatapos ay inilagay niya ang kamay sa tubig. Sumalok ng kaunti at ipinatulo iyon sa aking balikat.
Hindi ako makagalaw. Pakiramdam ko'y nabato na ako sa aking pwesto. "What are you doing in my room?" malamig kong tanong bago muling pumikit. Ayaw kong makita ang mukha ni Indigo.
Ano bang ginagawa niya sa kuwarto ko? Aware naman siguro siyang wala akong suot na kahit ano at tanging tubig at makapal na foam mula sa sabon lang ang tumatabon sa kahubaran ko!
"Rei asked me to—."
"Oh please, pagod na akong pakinggan ang usaping iyan. Lumabas ka na lang at isarado ang pinto." inis kong sabi.
Mahinang tumawa si Indigo. "Sweetie, can I stay here for a while?" Sabi ni Indigo bago pinaraan ang kamay sa aking balikat pataas sa aking leeg.
Bigla akong nanigas. Para akong kinuryente nang lumapat ang kamay niya sa balat ko. Pamilyar na pakiramdam, pamilyar na sitwasyon.
"Get out Indigo!"
"Do you still remember when we ma—."
"Shut up!" Inis kong sabi bago lumayo kay Indigo. Nakaupo pa rin ako sa loob ng bathtub. Pakiramdam ko'y sasabog ang ulo ko nang muling maalala ang pangyayaring iyon! Damn it! Bakit ba nangyari iyon? Bakit ba ipinagkanulo ako ng init ng katawan?!
Dito mismo, sa bathtub na ito ko pinilit si Indigo! Kung dati'y hindi ako nagsisising nangyari iyon, ngayon ay isinusumpa kong naging mahina ako! Hindi ko alam na gagamitin pa iyon ni Indigo para inisin ako.
"Alright..." taas ng dalawang kamay na sabi ni Indigo bago tumayo.
"Magbibihis na ako, umalis ka na."
"I've already seen it, why bother—."
Walang sabing tumayo nga ako. Wala na akong pakialam kung makita niyang ulit ang aking katawan. Tuloy-tuloy akong naglakad palapit sa shower at nagbanlaw. Nang matapos ay kaagad kong binalot ang sarili sa makapal na tuwalya.
Bago tuluyang lumabas ng banyo ay nalingunan ko pa si Indigo na tiim ang mga bagang na nakatitig sa akin. Iba-ibang emosyon ang dumaan sa kaniyang mga mata. Pangungulila, sakit at galit. Wala akong pakialam!
Mabilis akong nagbihis, pagkatapos ay kaagad na tinuyo ko ang aking buhok. Patapos na ako sa ginagawa nang lumabas si Indigo sa banyo. Ngayon ko lang napansin na nakasuot siya ng damit pang-opisina. Iyon rin ang suot niya kanina sa hapunan. Ibig sabihin ay hindi siya umuwi sa bahay nila.
"Umalis ka na, ang pangit tingnan kung narito ka sa kuwarto ko."
"Wala akong nakikita masama sa pagpunta ko rito sa kuwarto mo Elle, maliban sa galit ka sa akin." seryosong sabi ni Indigo habang nakasandal sa dingding.
"Masama dahil isa kang Propesor!" malamig kong sabi bago umupo sa kama. "At mas lalong masama dahil may asawa ka na. Kaya please lang, huwag mo na ulit akong guguluhin. Huwag mo na ring sundin ang gusto ni Kuya dahil kaya ko ang sarili ko." mariin kong sabi bago nahiga sa kama.
Akmang magsasalita pa si Indigo nang italukbong ko ang makapal na kumot sa ulo ko. Wala na akong narinig hanggang sa magsara ang pinto ng kuwarto ko. Kasunod niyon ay pag-uunahan ng mga luhang kanina ko pa gustong pakawalan.
Ngayon, hindi ko na alam kung para saan ang pag-iyak ko. Kung para ba iyon sa galit o dahil sa katotohanang may asawa na si Indigo.