"Hey, why are you crying?" nag-aalalang tanong sa akin ni Kuya Rei nang makauwi ako sa bahay.
Hindi ako sumagot. Basta niyakap ko lang siya nang mahigpit.
Isang linggo pagkatapos na may nangyari sa amin ni Indigo ay hindi na siya bumisita sa akin. Tapos ngayong ako ang nagpasyang bisitahin siya ay grabeng sakit pa pala ang matatamo ko?
How could he do that to me?
Dahil ba sa alam niyang patay na patay ako sa kaniya kaya niya naisipang paglaruan ang damdamin ko? Now I'm starting to think if he really loves me. O baka nga sinakyan niya lang ang gusto ko. Baka nga isang entertainment lang ang nararamdaman ko para sa kaniya.
"Elle, tell me what's wrong?" pagtatanong ulit ni Kuya Rei habang nakayakap pa rin ako sa kaniya. Ramdam ko ang pag-aalala sa kaniyang boses.
"He lied to me! Magpapakasal na sila ni Kismet!" Umiiyak kong sabi.
"Wait, are you talking about Indigo? May relasyon ba kayong dalawa?"
"I'm sorry Kuya, hindi ko sinasadyang magsinungaling sayo. Dapat nga sigurong nakinig ako sayo. Dapat sinunod na lang kita. Dapat hindi ko na lang minahal si Indigo."
Muli akong napahagulgol nang maramdaman ang mahigpit na yakap sa akin ni Kuya Rei.
"I'll talk to Indigo. Magpahinga ka na muna sa kuwarto mo, we'll talk when I get back." Marahan na lang akong napatango bago nagpaakay kay Kuya sa aking kuwarto.
Isang magaang halik sa noo ang pinagkaloob niya sa akin bago siya tuluyang umalis.
—
"Elle! Wake up! Hello, earth to Elle!" malakas na boses ni Cassidy ang nagpagising sa akin. Mabilis kong inilibot ang tingin. Nasa library pa rin kami.
"May masama ka bang napanaginipan? Umiiyak ka habang tulog." sabi ni Cassidy habang iniaabot sa akin ang panyo.
Noon ko lang napansin ang basa kong mga mata. Kaagad ko na lang iyong pinunasan bago tumayo. "Mauuna na ako, Cass, baka mahuli ako sa last subject ko." mabilis kong sabi bago nagmamadaling lumabas ng library. Saka na lang ako magkukuwento kay Cassidy.
Nang makalayo ay saka lang ako naglakad ng marahan. Saglit akong tumigil para pumikit nang mariin.
Bakit sa dinami-rami ng pwede kong mapanaginipan ay iyon pa? Bakit kailangang bumalik ang mga alaalang iyon?!
Kuyom ang kamaong sinipa ko ang kawawang trash bin na nasa gilid. Mabuti na lang at wala iyong gaanong laman.
"What makes you mad?" mas lalong nag-init ang dugo ko nang marinig ang tanong na iyon. Marahas kong nilingon si Indigo. Akma ko siyang tatarayan nang mapansin ko ang ilang estudyanteng nakatingin sa amin. Marahil ay sa classroom na iyon siya nagtuturo.
"None of your business." mariin kong bulong bago tumalikod.
"Ms. Ramirez, since you kicked that bin in the hallway, go to my office to get your punishment."
Tipid akong napangisi. "Punishment your face..." malamig kong sabi bago tuluyang umalis.
Sa school cafeteria ako dinala ng aking mga paa. Hindi na ako nag-aksaya ng oras na humabol sa last subject ko. Late na rin naman ako, absent na ang marka ko sa instructor. Sasayangin ko lang ang oras na makinig sa mga turo ng instructor namin.
"Hi Ms. Elle." pagbati sa akin ng isang estudyante. Tipid na lang akong ngumiti bago tumuloy sa counter.
"Elle, wala ka na bang klase?" tanong ni ate Mae, isa sa mga nagtitinda sa cafeteria.
"Meron po pero, hindi na ako pumasok. Late na kasi..." napapangiwi kong sagot. "...isang orange juice nga po at tuna sandwich."
Nakangiting ibinigay naman sa akin ni Ate Mae ang mga in-order ko. Pagkatapos kong magbayad ay kaagad akong dumiretso sa isang bakanteng upuan.
May mangilan-ngilang estudyante akong kasabay sa cafeteria. Pero ang karamihan ay nasa klase.
Tahimik na naupo ako sa bakanteng upuan. Akma akong kakagat sa sandwich na hawak nang may umupo sa harap ko. Napapikit ako ng mariin bago tiningala ang taong nasa harap.
"Can I sit here?"
"Nakaupo ka na, wala na akong magagawa." pataray kong sagot.
Narinig ko ang mahinang pagtawa ni Brick. "You're skipping class, I don't think Rei would like it if he knew about it. Isa pa napakalamig mo pa rin sa akin."
"You're friends with that monster. He's my enemy, kaya kaaway rin kita. And as for me skipping class is none of your business." masungit kong sabi bago sumimsim sa juice na nasa harap ko.
Hindi na napigilan ni Brick ang tuluyang mapatawa. Kaya nakasimangot na tinitigan ko lang siya hanggang sa matigil siya. "Anyway, Rei invited us to have dinner."
"Hindi ba nagdinner na kayo nila Indigo last night?"
"Hindi natuloy, dahil wala ka."
Matalim kong tinitigan si Brick bago tumayo. "You know how I hate Indigo! Sana naman respetuhin ninyo ang nararamdaman ko! Don't force me to hate all of you!"
Isang buntong-hininga ang pinakawalan ni Brick bago niya ako tinitigan nang matiim. "As much as I don't want to meddle in your affairs, hindi ko naman mapapalagpas na makita kayong dalawa ni Indigo na nahihirapan."
"Oh, since when did care about me? Simula pagkabata ko masyadong malayo ka sa akin. I cannot almost considered you as one of my friends. Tapos ngayon, gusto mong magkaayos kami ni Indigo?" inis kong sabi bago tumalikod. Pero bago ako tuluyang umalis ay muli pa akong nagsalita. "By the way, can you guys stop this nonsense! Tell him to quit teaching here, dahil kahit anong gawin niya hindi ko siya mapapatawad!"
Bago ako tuluyang makaalis ay narinig ko pa ang marahas na pagbuntong-hininga ni Brick.
Akala yata nila hindi ko alam na magkasabwat sila kung bakit nagtuturo ngayon rito si Indigo! Sa pagkakatanda ko ni minsan ay hindi niya pinangarap na maging isang guro.
Nang makarating sa locker ay kaagad kong kinuha ang gamit ko. Hindi na ako nag-abalang magpaalam pa kay Cassidy. Basta umuwi na lang akong mag-isa.
"You're here. How's your day?" tanong sa akin ni Kuya Rei nang maabutan ko siya sa sala habang nakatutok ang tingin sa laptop.
"Fine..." mahina kong sabi. "Where's Mom?"
"She left, nagkaroon ng emergency sa hospital. She needs to be there kaya hindi na siya nakapagpaalam." Sagot niya sa akin.
Tahimik na naupo na lang ako sa kaniyang tabi. Kumunot ang noo ko nang malingunan ang ginagawa ni Kuya. Hindi ko iyon maintindihan kaya sumandal na lang ako sa balikat niya.
"Do you need something?"
"Wala..."
"Elle, I know you." natatawang sabi sa akin ni Kuya bago niya ako hinarap.
Napapalabing tinitigan ko siya. "You keep setting me up with Indigo."
"The dinner..." seryosong sabi ni Kuya bago ginulo ang aking buhok. "...Brick will also be here. Isa pa'y may mahalaga akong sasabihin."
Awtomatikong tumaas ang kilay ko. "Ano naman iyon?"
"Mamaya sasabihin ko kaharap sila kaya kailangang saluhan mo kami. After all we're all friends, you can consider it as a mini reunion."
"Mini reunion, does it mean Kismet will be here too?" matabang kong sabi na ikinatawa ni Kuya Rei.
"Oh, my little sister, try to be calm when you meet her again." nakangisi niyang sabi bago tumayo papunta sa kusina.
"I hate you Reizon Ramirez!" nanggagalaiti kong sigaw na ikinahalakhak lang ni Kuya.
-
Dumating ang oras ng dinner. Kahit na ayaw kong bumaba para sa hapunan ay wala akong nagawa nang sunduin ako ni Kuya sa kuwarto. Magagalit raw siya sa akin kapag hindi ko sila sinabayan.
That jerk brother of mine! Alam niyang hindi ko gustong magalit siya sa akin kaya bina-blackmail niya ako!
Pigil ang paghingang sumunod ako kay Kuya papunta sa dining hall. How I wish to be with Cassidy.
"Elle!" malaki ang ngiting pagbati sa akin ni Kismet nang makita nila ang pagpasok ko. Tahimik ang lahat nang yakapin ako ni Kismet. Mariin ko namang kagat ang aking labi. Nakakuyom rin ang mga kamao ko para pigilan ang sariling itulak si Kismet palayo sa akin.
Tikhim ni Kuya Rei ang bumasag sa katahimikan. Pinili kong maupo sa pagitan ni Kuya Rei at Brick. Mas gugustuhin ko pang katabi ang batong ito kaysa sa dalawang taong kinamumuhian ko. Isa pa, may espesyal na relasyon si Brick sa kaibigan ko. Ayaw kong isipin ni Cassidy na hindi ako pabor kay Brick para sa kaniya, though iyon naman talaga ang totoo.
Halos nasa kalagitnaan na kami ng pagkain nang muling tumikhim si Kuya. Bago ako lumingon sa kaniya'y sandali kong nakita ang pagpahid ng napkin ni Indigo sa gilid ng labi ni Kismet.
Bullshit!
"Well, kaya ko kayo inimbitahan ay dahil may hihingin akong pabor sa inyo." Kumunot ang noo ko sa pagsisimula ni Kuya. "I will be going to France and I don't know when will I come back. As you guys are my most trusted friend, I want to entrust you my sister."
"What did you say?!" malakas na tanong ko.
"Specially you Indigo, since kayo ang super close ni Elle."
"Kuya, that's bullshit!"
"Don't start with me Jaycelle Cleo. I'm doing this for your own good!" mariing sabi ni Kuya na ikinatahimik ko.
"For my own good?! You can't be serious about this! Kuya, you know I hate being with Indigo! Don't make me hate you too! I'll go with you then!"
"Jaycelle!" malamig na sabi ni Kuya. Tuloy-tuloy na tumulo ang mga luha ko. Hindi ko inaasahanh pati si Kuya ay pipilitin akong pakisamahan si Indigo.
I hate them!
I hate my life!