Napapapikit na dinama ko ang malakas na hanging tumatama sa aking mukha. Dalawang araw simula nang makalabas ako ng hospital ay kaagad akong nagrequest kay Indigo na dalhin ako sa dagat. Noong una'y inis na pinagalitan niya pa ako dahil sa pagiging atat ko. Eh anong magagawa ko, excited naman na talaga akong makahanap ng venue na pagdarausan ng kasal namin. "Ang arte mo, mamaya hindi kita pakasalan diyan." Naalala kong sabi ko sa kaniya. Kaya ayon, pumayag kaagad na mamasyal kami. Nagpabook kaagad ng flight at kuwarto sa isang kilalang resort dito sa Palawan. "Kanina pa tayo nandito, Elle. Hindi ka man lang ba magpapahinga?" Salubong ang kilay na tanong sa akin ni Indigo. "Tingnan mo itong lalaking ito, puro pahinga ang nasa isip." Bulong kong napapairap. Kunsabagay, kahit naman