"Anong nangyari doon sa restaurant?" Tanong ko kay Trip. Kaaalis lang ni Veo. Kinumusta lang ako sandali bago ito tumuloy sa trabaho. Saktong paglabas nito ay siyang pagpasok ni Trip. "Inayos na ni Kuya ang tungkol doon." Seryosong sabi ni Trip habang nakatitig sa akin. Hindi ko tuloy maiwasan ang mailang. "Uh, bago ako nawalan ng malay, may narinig akong putok ng baril. Anong nangyari?" Tanong ko pa. "Tumawag pala ng pulis iyong manager ng restaurant. Nabaril sa balikat iyong lalaki. Nahuli sila at sigurado ako makukulong sila ng mahabang panahon." Napatango na lamang ako. I can feel the awkwardness between us. 'Yun bang parang gusto pa naming mag-usap kaya lang ay tila may pader na nakaharang sa pagitan namin. "Where's Indigo?" Tanong ko na lang. Para kahit papaano'y hindi ma