Kabanata 29

1400 Words

Hindi ko napigilan ang mapangiwi nang subukan kong kumilos para sana abutin ang mansanas na nasa mesa. Mariin akong napapikit habang nanghihinang bumalik sa pagkakahiga. "You want some apple?" Bigla akong napamulagat nang marinig ang boses ni Indigo. Hindi ko napigilan ang maluha. Nakalabing inangat ko ang dalawang kamay, para iparating sa kaniyang gusto ko ng yakap. Nakangising lumapit sa akin si Indigo at niyakap ako nang masuyo. Gustuhin ko mang hilingin na yakapin niya ako nang mahigpit ay hindi ko magawa. Tiyak na maiipit ang sugat sa aking likod. "You brat, anong pumasok sa kukote mo't sinalo mo ang patalim na iyon?" Sabi sa akin ni Indigo na ikinakagat ko sa labi. "Kung hindi ko iyon ginawa, hindi natin alam kung anong mangyayari kay Trip. What if nasaksak siya sa dibdib?

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD