Kanina pa akong natapos sa pag-aayos ng sarili. Nakailang beses na nga akong nagpagbalik-balik sa harap ng salamin para tingnan kung may mali pa ba sa hitsura ko. I'm nervous and excited at the same time. Indigo told me he still loves me. Well, kahit noon pa naman, ilang beses niya na iyong sinabi. Pero noong gabing iyon, ang gabing halos ipagkanulo ako ang aking sarili sa mga haplos niya, hindi ko na alam. Nawala bigla ang lahat ng agam-agam sa puso ko. I was mad at Kismet, pero nawala iyon nang magpaliwanag si Indigo. So, it was me who caused every complications in this relationship! Napakatanga ko, napakaboba! Sana pala nagsumbong na ako dati kay Indigo. Sana pala noon ko pa sinabi sa kaniya na inaaway ako ni Kismet! "Elle, hija, paalis na ang Mommy mo." Sabi ni Manang Lolit. Ih