"Ibig mong sabihin, half-brother mo si Trip?" Manghang tanong ko. Bigla kasi naming napag-usapan ang tungkol kay Trip. Bunga si Trip ng pangagaliwa ng Papa ni Indigo. Kaya siguro Uncle ang tawag ni Trip kay Indigo ay dahil iyon ang utos ng kanilang Daddy. "Yeah..." mahinang sagot ni Indigo habang nakatanaw sa malawak na playground. Sa isang plaza kami pumunta. Next time na lang siguro kami manonood ng movie. "Do you like him?" Tanong kong napapangiwi. Kasi naman sa mga napapanood ko sa tv ay hindi nagkakasundo ang mga katulad ng kaso ni Indigo at Trip. "I mean, as your younger brother?" "I do..." mahina pa ring sagot ni Indigo. "At first, hindi ko matanggap. Well, siguro naman ganoon din ang iba. Nagtaksil si Dad, niloko niya si Mommy at naging bunga si Trip. Hindi namin alam ang tung