YANNA MABILIS ko namang tinugon ang mainit na halik ng aking asawa. Kanina ako tinatablan ng kapusukan niya kaya hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa. Wala na ako sa tamang pag-iisip na kahit ang lugar na kinaroroonan namin ay hindi ko na alintana. Lalo akong nadadarang sa bawat haplos ng aking asawa na punong-puno ng paghahangad sa aking katawan. Binubuhay nito ang ultimo pinakamaliit na apoy sa aking sistema. "Yanna," sambit niya sa aking pangalan bago niya sinapo ang aking mukha at mas binigyan pa ng diin ang paghalik niya sa aking mga labi. Palibhasa nandito kami sa backseat kaya malayang nagdidikit ang aming mga katawan. Kakaibang pakiramdam ang hatid sa akin ng asawa ko sa mga oras na ito. Wala akong ibang gusto ngayon kundi ang pagbigyan ang sarili kong pagnanasa. Na pagbigyan an

