YANNA “O KAYA… baka buntis ka kaya wala kang ganang kumain?” wika ni Uncle Jaxx sa tonong nagbibiro na ikinalaki ng mga mata ko. “H-ha? Ano’ng buntis ang pinagsasabi mo diyan? Nakalimutan mo ba na nagpi-pills ako?” pagsisinungaling ko. I know na nag-promise na ako sa sarili ko hangga’t maaari ay ayaw ko nang maglihim sa asawa ko. Lalo na at iyon ang napagkasunduan namin. Pero iba itong kalagayan ko ngayon. Hangga’t hindi ko nasisiguro na kayang tanggapin ni Uncle Jaxx ang pagbubuntis ko if ever man, hindi ko muna ipapaalam sa kaniya. Oo. Naniniwala ako sa kaniya na talagang mahal niya ako. Pero hindi pa niya uli nababanggit ang tungkol sa bagay na iyon kung gusto na ba niyang magkaanak sa akin o hindi. “Gumgamit ka pa rin ng pills hanggang ngayon?” tanong niya pero hindi ko kayang

