CHAPTER ELEVEN

2277 Words
YANNA WALA naman sigurong masama kung i-massage ko man si Uncle Jaxx. Sa sobrang dami ng magagandang bagay na ibinigay niya sa'kin, walang wala iyong pabor na hinihingi niya sa akin. "Sige po," walang pagdadalawang isip na sagot ko. "Sigurado ka, Yanna? Nagbibiro lang naman ang uncle mo," nakangiting sabi niya. "Pero ilang araw na talaga na masakit ang likod ko. Hindi na ako nakakapagpa-massage dahil naging busy ako sa pag-aasikaso sa fiesta." "Kung gano'n po, ako na lang ang magma-massage sa inyo, Uncle," mabilis na sagot ko. "Sisiguraduhin ko po na mawawala iyang pananakit ng likod n'yo." Napangiti siya. "Magaling ka bang mag-massage?" "Hindi po ako expert. Pero may alam naman po ako na basic. Particular na sa back care at relaxation," may pagmamalaking sagot ko. "Ako po kasi ang laging nagma-massage kina Auntie Marge at Lola Salud. Sa tagal na ginagawa ko iyon, natuto na rin ako." "Kung gano'n, hindi ko na tatanggihan ang inaalok mo, Yanna. Gusto ko ring malaman kung talagang marunong ka," aniya sabay ng paglapad ng kaniyang ngiti. "Don't worry. Babayaran kita para hindi naman nakakahiya sa'yo." "Naku, huwag na po!" agad na tanggi ko. "Para naman kayong others niyan, Uncle." Mapilit siya pero hindi talaga ako pumayag. Hindi naman ako mukhang pera, 'no? "Kung ayaw mo ng pera, ano pala ang gusto mong ibigay ko sa'yo para naman hindi ako mahihiya sa pang-aabala ko sa'yo?" giit pa rin niya. "Kiss po," mahinang bulong ko kaya siguro hindi narinig ni Uncle Jaxx. Kumunot ang noo niya, "Ano 'yon, Yanna?" "H-ha? A-ah, eh... Wa-wala po," kanda utal na sagot ko. Muntik ko nang batukan ang sarili ko dahil sa kalandian na naman ng isip ko. "Ang sabi ko po, hindi po talaga ako magpapabayad. Makita ko lang na nakatulog kayo nang mahimbing dahil sa pagma-massage ko, masaya na po ako." "Kaso iba ang pampatulog ko, Yanna. Doon talaga ako nakakatulog nang mahimbing," mahinang sagot din ni Uncle pero sapat na para marinig ko iyon. Kumunot ang noo ko. "Ano po ba ang pampatulog n'yo?" "Secret!" sabi niya sabay kindat sa akin at ewan pero lihim na naman akong kinilig. YANNA HUMINGA ako nang malalim nang makarating kami sa tapat ng pinto ng kuwarto ni Uncle Jaxx. Ang master's bedroom. Ito lang ang nag-iisang kuwarto sa third-floor ng Aragon's Mansion. Bigla akong kinabahan. Parang ngayon ko gustong magsisi kung bakit nagpumilit pa ako na i-massage siya. Pero nandito na ako. Wala ng atrasan ito. At saka isipin mo na lang na kahit papaano ay makabawi ka sa mga kabutihan sa'yo ni Uncle. pampalubag-loob ko sa sarili ko. Naunang pumasok si Uncle Jaxx. Saka naman ako alanganing sumunod sa kaniya pagkatapos kong isara ang pinto. "Nando'n nga pala ang banyo kung gusto mong gumamit," sabi niya sabay turo ng pinto sa kanan. "Si-si...s-sige po..." nauutal ko na namang sagot dahil nakita ko ang malapad na kama. Marahang tumawa si Uncle nang lingunin niya ako. "Bakit parang kanina ka pa kabado, Yanna? Huwag kang mag-alala, Hija. Hindi nangangain ang Uncle mo. Nangtutuklaw lang." "H-ho?" "Napaka-inosente mo talaga, Yanna." Nakangiti na nilapitan ako ni Uncle Jaxx at pinisil niya ang chin ko. "Okay lang ba kung dito ka muna? Magsa-shower lang ako sandali. Para naman hindi nakakahiyang magpa-massage sa'yo." Parang wala sa loob na napatango na lang ako. Bigla kasi akong nawala sa sarili dahil sa pagpisil niyang iyon sa baba ko. Natapik ko na lang ang pisngi ko dahil alam ko na nag-blush ako nang marinig ko ang pagsara ng pinto sa banyo. Wala naman akong ibang gagawin kaya nag-scroll-scroll na lang muna ako sa cellphone ko habang hinihintay kong lumabas si Uncle. Pero hindi sinasadyang nabuksan ko ang reading app at natukso akong basahin ang isang chapter na may nakalagay na "Rated SPG". Panay ang lunok ko habang binabasa ko kung paano inaangkin ng bidang lalaki ang bidang babae sa loob ng banyo. Nakaramdam ako ng init nang mapatingin ako sa pinto na pinasukan ni Uncle kanina. Lalong hindi mapakali ang akin sa maduming eksena na naglalaro sa imahinasyon ko. "Yanna. Hey, Yanna." Napakurap-kurap ako at napatingin sa pinto ng banyo nang marinig ko ang boses na iyon ni Uncle Jaxx. Masiyado akong tutok na tutok sa binabasa ko kaya hindi ko namalayang nakalabas na pala siya at nakatingin sa akin. Literal akong napanganga nang makita kong nakatapis lang siya ng tuwalya. Pero mabilis akong nag-iwas ng tingin bago pa man ako maakit sa pumuputok na mga muscle sa katawan niya. Lalo na at sariwa pa sa isipan ko ang nabasa kong eksena sa kuwento na binabasa ko kanina. "Sorry kung natagalan ako. Nainip ka ba?" tanong niya habang lumalapit sa akin. Tumigil siya sa harapan ko na parang hindi man lang nailang na halos hubo't hubad na siya. "H-hindi naman po." Pinilit kong tumingin nang diretso sa mukha niya kahit alam kong nagba-blush ako para lang hindi ako matukso na tumingin sa katawan niya. Lalo na sa malaking bukol na nakaumbok sa kaniyang harapan. Gaano kaya kalaki at kahaba ang nakatago sa ilalim ng tuwalya na 'yon? "Why are you blushing, Yanna?" nanunudyong tanong niya kaya lalo lang kumabog ang dibdib ko. "W-wala naman po. Hindi lang po siguro ako sanay makakita ng... lalaking nakahubad," matapat kong sagot sabay kagat sa labi ko. "Lalo na po at nasa harapan ko pa." "Oh, I'm sorry." He chuckled and looked at me intently. "Sige na. Magbibihis muna ako. Kung gusto mong mag-shower din, may extra towel sa bathroom. Wala nga lang akong maipapahiram na ibang damit maliban sa mga damit ko kasi hindi naman ako nagdadala ng babae dito sa kuwarto ko." "Talaga po?" hindi makapaniwalang tanong ko. Gusto ko sanang usisain kung bakit wala gayong matagal na silang magnobyo ni Auntie Marge. Pero baka sabihin pa ni Uncle na tsismosa ako. At saka... bakit parang ikinatuwa ko ang nalaman kong iyon? "Oo, Yanna. Hindi siguro halata pero medyo conservative akong tao." Ngumisi siya. "Kaya nga sa edad kong ito, ngayon lang ako mag-aasawa." "'Buti po at nasabi n'yo iyan, Uncle. Matagal ko na rin kasi gustong malaman kung bakit ngayon lang po kayo mag-aasawa. Eh, mayaman naman po kayo. Walang problema kung mag-aasawa ho kayo nang maaga at mag-aanak kahit isang dosena pa. Guwapo rin po kayo. Imposibleng wala hong nagkagusto sa inyo," mahabang pahayag ko at puno ng kuryosidad ang boses ko. "May naging girlfriend naman ako noong college ako. Ilang taon din kami, actually," sagot ni Uncle Jaxx sa tonong nagkukuwento at nakuha naman niya ang interes ko kaya tutok na tutok ako sa kaniya habang nagkukuwento siya. "Pero that was the time na namatay ang mga magulang at kapatid ko. Nalugmok ako sa sobrang lungkot. Wala akong gustong makita at makausap maliban kay Yaya Esme. At no'ng naging okay na ako, saka ko lang nalaman na pati pala iyong girlfriend ko ay naitulak ko na palayo at naghanap na siya ng iba." Matagal ko ng alam ang ikinamatay ng pamilya ni Uncle Jaxx dahil ikinuwento sa akin ni Auntie Marge. Na-kidnap for ransom daw ang mama at nag-iisang kapatid niya. Pero noong nakuha na nga mga kidnapper ang milyon-milyong halaga mula sa papa niya, pinatay pa rin ang mga ito at pati na rin ang papa ni Uncle Jaxx. Masuwerte raw siya dahil nasa Manila siya ng mga oras na iyon para sa isang educational tour. Marahan kong tinapik ang kamay niya dahil sa lungkot na nakikita ko sa kaniyang mga mata. "Huwag na po kayong malungkot, Uncle. Dahil sigurado naman ako na pagbabayaran ng mga walang puso na kidnapper na iyon ang ginawa niya sa pamilya mo." "Matagal na, Yanna. Pero hindi pa rin iyon sapat sa ginawa nila sa pamilya ko," galit na sagot ni Uncle Jaxx. Natakot ako bigla sa pagtigas ng anyo niya. Ngayon ko lang siya nakita na nag-react nang ganoon. Halos umigting ang kaniyang panga sa galit. "I'm sorry." Agad namang lumambot ang kaniyang mukha nang mapansin niya siguro ang takot ko. "Hindi ko sinasadyang takutin ka, Yanna." Nginitian ko siya. "Okay lang po 'yon. Normal lang naman po na magalit kayo." Kapagkuwan ay kumunot ang noo ko. "Hindi na po uli kayo nag-girlfriend pagkatapos no'n, Uncle?" interesadong tanong ko. "Nagkaroon na ako ng ibang pagkakaabalahan no'n maliban dito sa Hacienda Aragon na naiwan sa akin kaya hindi na ako nagkaroon ng oras para mag-girlfriend pa uli, Yanna," seryosong sagot niya. "Hanggang sa naaksidente ako at noong gumaling na ako, lalo akong nawalan ng interes para manligaw." "Baka po dahil nabigo na kayo sa first girlfriend n'yo, Uncle," kaswal na komento ko. Pero sa likod ng isip ko, nagulat ako dahil ngayon ko lang nalaman na naaksidente pala siya. Parang hindi iyon nabanggit sa akin ni Auntie Marge. Umiling siya. "No. Dahil matagal ko nang kinalimutan siya bago pa man ako maaksidente. Basta naramdaman ko lang na simula noong gumaling ako, parang may kulang na sa pagkatao ko na hindi ko ma-explain. Parang may hinahanap ako na hindi ko alam kung ano. I feel like something was missing in my heart back then that I didn't understand. Ilang beses kong sinubukang magmahal muli pero wala ni isa ang nakapuno sa emptiness na iyon. Hanggang sa hindi ko namalayan na napaglipasan na pala ako ng panahon. Akala ko nga, hindi na talaga ako makakapag-asawa." Napangiti si Uncle Jaxx. "But thanks God at nakilala ko ang Auntie Marge mo. Noong araw na nakita ko kayo sa Rancho Leonora, iyon ang unang beses na naramdaman kong sa wakas, unti-unti na ring napunan ang kulang na nararamdaman ko." That was two years ago. Fiesta sa Rancho Leonora nang mga panahong iyon at imbitado ni Lola Salud si Uncle Jaxx. Ang totoo, ako talaga ang unang nakita niya noon dahil ako ang nagbigay ng pagkain sa kaniya. Guwapong guwapo na nga agad ako kay Uncle noon. Hindi ko rin makalimutan ang pinakaunang ngiti niya sa akin. Pero sumunod agad sa akin si Auntie Marge na alam kong na-love at first sight agad kay uncle. "Salamat sa Auntie Marge mo dahil hindi pala ako tatanda nang mag-isa," napapangiti pang sabi ni Uncle Jaxx na parang kilig na kilig. Ewan ko ba. Pero parang biglang sumakit ang dibdib ko na hindi ko maipaliwanag. "G-gano'n din naman po si Auntie. Akala niya, hindi na siya makakapag-asawa dahil sa pagiging pihikan ni Lola Salud," sabi ko na lang habang pilit kong binabalewala ang nararamdaman kong ito na nagpapagulo lang sa isipan ko. "Ibig sabihin po, meant to be talaga kayo ni Auntie." Napangiti lang si Uncle. "Eh, ikaw, Yanna? Totoo ba na wala kang boyfriend at hindi pa nagka-boyfriend simula noon?" kapagkuwan ay interesadong tanong din niya sa akin. Tumango ako. "Totoo po 'yon, Uncle." "Pero bakit? Imposibleng walang nanliligaw sa'yo sa ganda mong iyan," wika niya at saka niya siya tumitig nang matiim sa akin. Pinigilan ko naman ang sarili ko na mapangiti bago pa man isipin ni Uncle na kinikilig ako sa simpleng papuri niyang iyon. "Alam n'yo naman ho kung gaano kahigpit sa akin si Lola Salud. Tingnan pa lang ako ng mga lalaki, sinisita na niya..." Napailing ako. "Pero mas pabor naman po iyon sa'kin dahil wala pa naman talaga akong balak mag-boyfriend. Marami pa po akong pangarap sa buhay." "Para sa akin, nasa tamang edad ka na para magnobyo. Pero kung sa tingin mo, hindi mo pa nakikita ang lalaking para sa'yo, mas okay kung huwag ka munang mag-boyfriend." Ewan ko pero parang ang tamis ng ngiti ni Uncle. "Pero ano-ano ba ang mga pangarap na gusto mong matupad, Yanna?" Ang mahanap ang estrangherong lalaki sa isla noon at ang pumatay sa mga magulang ko. Pero siyempre, hindi iyon puwedeng malaman ni Uncle Jaxx o ng kahit sino kaya sinarili ko na lang. "Ang makapagturo po. Lalo na sa mga bata na alam kong nangangailangan ng guro na gagabay sa kanila sa tamang landas kapag nasa labas sila ng kani-kanilang tahanan," sa halip ay sagot ko pero isa naman talaga iyon sa mga pangarap na gusto kong abutin. Ipinatong ni Uncle ang kamay niya sa ulo ko at bahagyang tinapik ang bumbunan ko na para bang inaalo ako. "Don't worry, Yanna. Kapag nasa poder na kita, tutulungan kitang matupad lahat ng mga pangarap mo." Ang ibig niya kayang sabihin ay kapag naikasal na sila ni Auntie Marge at nasa kanila na ako? "Pero may nagugustuhan ka namang lalaki?" tanong niya bago pa man ako makapagsalita uli. "Dati po puro mga artista lang ang crush ko. Pero ngayon, mukhang meron nang hindi," napapangiti pang sagot ko habang nakatingin kay Uncle. Kumunot ang noo niya. "Sino naman?" "Secret!" mabilis na sagot ko at ginaya ko pa ang tono niya nang tanungin ko siya kanina kung ano ang nagpapatulog sa kaniya nang mahimbing. "Pilya ka rin, ano?" reklamo niya at saka kami nagkatawanang dalawa. "Magbihis na po kayo para ma-massage ko na kayo," natatawa pa rin na utos ko sa kaniya dahil napansin ko na ang tagal na pala naming nagkukuwentuhan pero nakatapis pa rin siya ng tuwalya. "Oo nga. Napasarap na ang kuwentuhan natin. Sige, magbibihis lang ako sandali," paalam niya at naglakad na papasok sa walk-in closet. Bigla akong naihi pagkaalis niya. Pero naka-lock pala ang pinto ng banyo kaya lumapit ako sa walk-in closet dahil hindi ko na kayang tiisin ang ihi ko. Akala ko tapos na siyang magbihis kasi kanina pa naman siya nasa loob at nakabukas na ang pinto kaya sumilip ako. "Uncle, puwede po bang pabukas ng—" Naputol ang pagsasalita ko nang mapatingin ako sa oversized mirror at nakita ko roon si Uncle Jaxx na nakatalikod at nakahubo't hubad. Namilog ang mga mata ko sa nakita ko. Ang tambok pala ng puw*t ni Uncle!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD