YANNA
“SIGE po, Auntie. Kailan po ang balik n’yo?” tanong ko nang tawagan ako ni Auntie Marge para ipaalam sa akin na nauna na raw silang umuwi ni Lola Salud dahil nagkaroon ng emergency sa rancho. Maraming kabayo ang nagkasakit at namatay daw.
Mainit daw ang ulo ng lola ko dahil sa nangyari kaya mas mabuting dito na muna ako sa Hacienda Aragon para hindi ako mapagbuntunan. Si Uncle Jaxx daw ang nagsabi kay lola na maiwan muna ako kaya pumayag ito.
“Isasabay ka na lang ni Jaxx sa makalawa. Susunduin niya ako dito sa bahay at kakausapin namin ang wedding organizer,” sagot niya mula sa kabilang linya.
“Sige po, Auntie,” magalang na sagot ko.
Dahil marami pang kailangang ayusin si Auntie Marge kaya pinatay na niya agad ang tawag. Hindi ko alam pero lihim akong natuwa na mag-i-stay pa pala ako dito nang dalawang araw. Ibig sabihin, makakasama ko pa nang matagal si Uncle Jaxx.
UNCLE JAXX
“PATULOY na iniimbestigahan ng pulisya ang tungkol sa walang awang pagpatay kay Governor Escobar na pinagbabaril ng hindi pa nakikilalang suspek sa loob mismo ng kaniyang sasakyan nitong Lunes ng umaga, Hulyo 7. Samantalang nakaligtas naman ang kaniyang personal driver at dalawang bodyguard. Ayon sa pulisya, base raw sa kanilang assessment ay planado ang pagpatay sa gobernador ng San Carlos. Hinala nila ay si Governor Escobar lamang ang target at sinadya namang buhayin ang mga kasamahan nito.”
Nagkatinginan kami ng mga kaibigan ko matapos naming marinig ang balita sa television.
Pagkatapos ng salo-salo ay nag-uwian na lahat ng mga bisita. Mga kaibigan ko na lang ang natira. Dumiretso na kami rito sa library ng Aragon’s mansion. May isang maliit na conference table sa gitna nitong opisina ko na kasya lang ang anim na tao. Pero apat lang ang okupado sa mga oras na ito.
Ngunit isa man sa amin ay walang nagkomento sa balitang iyon. Tahimik lamang kaming nakatingin sa bangkay ng lalaki na naliligo sa sariling dugo sa loob ng mamahaling sasakyan. May tama ng baril sa noo, dibdib at tiyan. Nagpapakita lang ang larawang iyon na kung sino man ang pumatay sa nasabing gobernador ay may matinding galit o kaya ay walang puso.
“Tuloy ba talaga ang kasal mo sa susunod na buwan?” sa halip ay tanong sa akin ni Gael Austria. He is four years younger than me.
Si Gael ang kasalukuyang gobernador sa probinsiya ng Benguet. Tulad ko, isa rin siya sa itinuturing na pinakamayamang tao sa buong Pilipinas. Ngunit sa kabila ng pagiging bilyonaryo, mas pinili ni Gael ang paglingkuran ang kaniyang mga kababayan.
Tumango ako. “Oo. Kaya baka hindi na muna ako makakasama sa inyo kapag may new project. Magiging busy na kami ni Marge sa mga susunod na araw. Gusto niya kasi na kami ang personal na mag-asikaso ng kasal namin.”
“Okay lang. Ang importante, masaya ka,” sagot ni Gael. “Pero sigurado ka na ba talaga kay Marge?”
Napangiti ako nang sulyapan ko ang picture ng aking nobya na nakapatong sa executive table ko. “Yes. She’s the best woman any man could wish for. Simula nang makita ko siya, unti-unti niyang napunan ‘yong pakiramdam na parang may nawawala sa pagkatao ko.”
“Alam mo, hanggang ngayon, hindi kita maintindihan,” sabat naman ni Quinn Navarro na kaibigan din namin. He’s just thirty-five years old, a famous actor and the youngest among us. Nanggaling din siya sa prominenteng pamilya at maituturing na bilyonaryo gaya namin. “Ang sabi mo noon, kay Yanna ka may naramdamang kakaiba. Pero bakit si Marge ang niligawan mo?”
“Yes, that’s true. Pero nakita n’yo naman, napakabata pa niya para sa’kin,” natatawang paliwanag ko. “Sa tingin n’yo, magkakagusto siya sa gaya ko na parang tiyuhin na niya?”
“Age is just a number,” seryosong sagot naman ng kaibigan din naming si Wren Jimenez. He’s thirty-eight years old at isang Filipino-Mexican.
Si Wren ang pinakaseryoso at pinakabago sa aming lahat. But he’s the one we admire when it comes to love. Kung gaano ka-playboy ang kaibigan naming si Emrys, gano’n naman katindi kung magmahal si Wren. Wala siyang hindi kayang gawin pagdating sa pag-ibig. At iyon ang dahilan kung bakit personal bodyguard ang kasalukuyang trabaho niya ngayon.
“Teka.” Kumunot ang noo ko nang mapansin ko na hanggang ngayon ay bakante pa rin ang upuan sa tabi ni Wren. “Where’s Emrys—” Nabitin sa ere ang pagtatanong ko nang biglang bumukas ang pinto at pumasok ang taong hinahanap ko.
Si Emrys naman ang CEO ng pinakamalaking shipping company sa bansa. Mas bata siya sa akin ng tatlong taon. Siya ang pinakamaputi sa aming lahat dahil may lahi siyang Canadian pero hindi niya iyon matanggap sa dahilang kami lang ang nakakaalam.
“Sorry I’m late. Wala naman tayong mahalagang pag-uusapan ngayon, ‘di ba? Tagay-tagay lang,” nakangising bungad ni Emrys. Nakabukas lahat ng mga butones ng polo sleeve niya at magulo ang buhok. Kapansin-pansin din ang bakas ng lipstick sa kanang pisngi niya.
Sanay na kami sa pagiging numero unong babaero niya kaya napailing na lang kami. Sa sobrang cool niya kaya maraming babae ang nababaliw pa rin sa kaniya sa kabila ng pagiging playboy niya.
“Sino’ng kawawang babae naman kaya ang nabiktima mo ngayong gabi?” pabiro na tanong sa kaniya ni Quinn.
“Si Yanna—”
“Umayos ka, Emrys!” Hindi ko na siya pinatapos sa pagsasalita. Napatayo ako at walang ano-ano na sinalubong ko siya at hinawakan sa kuwelyo. “I already warned you to stay away from Yanna!” sabi ko pa, sabay sapak sa panga niya.
Dati naman, tinatawanan lang ako ni Emrys kapag napapagalitan ko siya dahil sa pagiging babaero niya. Pero ngayon, kitang-kita ko sa mga mata niya ang takot kaya hindi agad siya nakapagsalita. Kahit ang iba pa naming mga kaibigan ay napatayo para awatin ako. Siguro dahil ngayon lang nila ako nakita na nagalit nang ganito. Sa tagal ng pagkakaibigan namin, ako ang itinuturing ng lahat na pinakamabait.
Ako rin ang pinakamatanda at leader ng grupo.
“Bro, easy. Binibiro ka lang naman, eh,” kapagkuwan ay depensa niya habang nakataas ang dalawang kamay. “Kahit hindi mo sabihin, alam ko kung gaano ka-importante sa’yo si Yanna kaya hindi ko siya pakikialaman.”
“Puwes, hindi ka nakakatawa.” Galit na itinulak ko si Emrys. “Lumayas ka sa pamamahay ko bago pa man kita mapatay. Hindi kita inimbita rito para bastusin lang si Yanna. Ulitin mo pa at kakalimutan ko lahat ng pinagsamahan natin. Gag*!” nanginginig ang mga kamao na banta ko pa sa kaniya.
Kahit ako man, ngayon ko lang nakita ang sarili ko na nagalit nang ganito sa kaibigan ko. I don’t know why. Pero pakiramdam ko ay umakyat lahat ng dugo sa ulo ko nang marinig ko ang pambabastos niya kay Yanna.
Siguro dahil sa puso ko, tunay na pamangkin na ang tingin ko sa dalagang iyon…
YANNA
MADALING ARAW na pero gising pa rin ako at naglilinis ng kusina. Kung hindi lang sana nalasing sina Manang Ruffa at ibang kasambahay, kanina pa naubos ang mga hugasin. Sinabihan naman nila ako na sila na raw ang gagawa ng mga ito bukas. Pero hindi ako sanay matulog na hindi natatapos ang gawain. Si Lola Esme naman ay maaga talagang natutulog kahit may okasyon dahil bawal na sa edad niya ang magpuyat.
Tapos na akong mag-mop ng sahig nang makita ko ang nagmamadaling pag-alis ng kaibigan ni Uncle Jaxx na si Uncle Emrys. Hindi nagtagal ay sumunod naman ang tatlo pang naguguwapuhang lalaki na nakilala ko na kanina. Pasilip-silip lang ako mula rito sa kusina kaya hindi na nila ako nakita.
Hinintay ko na lumabas sa opisina niya si Uncle Jaxx dahil baka may ipag-uutos pa siya. Wala na kasing ibang gising sa mansiyon maliban sa akin. Lahat ng mga katiwala ay nalasing dahil hinayaan lang niya kanina na magkasiyahan dahil fiesta naman daw.
Humihikab na ako nang makita ko ang paglabas ni Uncle mula sa opisina niya kaya napatayo ako. Isang oras din yata akong naghintay.
“Yanna? Bakit gising ka pa?” Nagulat siya nang makita niya ako na naghihintay sa sala. “May nanggulo ba sa’yo kanina?”
“Ha? Wala naman po,” sagot ko habang nagtataka dahil parang alalang-alala siya. “Hinintay ko lang po talaga kayo dahil baka may iuutos pa kayo sa’kin.”
Bakit parang ayaw pang maniwala ni Uncle? Kung makatingin kasi siya sa’kin, parang sinisipat niya ang kabuuan ko.
“May problema po ba?” hindi nakatiis na tanong ko.
Naiilang kasi ako na pati ang dibdib ko ay tinititigan niyang mabuti. Naka-jogging pants naman ako pero spaghetti strap ang top ko. Ito lang kasi ang damit ni Manang Ruffa na nagkasya sa akin.
Nagulat na lang ako nang mapagtanto ko na nasa harapan ko na pala siya at hinawakan niya ang balikat ko.
“Sigurado ka na walang bisita ang nambastos sa’yo kanina habang busy ako?” tila naninigurong tanong niya. Nalanghap ko ang amoy-alak sa hininga niya at medyo mapungay na ang mga mata niya. Pero parang hindi naman siya lasing.
Ewan ko. Pero parang kinikilig na naman ako sa pag-aalalang nakikita ko sa mga mata niya.
“W-wala po talaga, Uncle. Promise po.” Kinagat ko ang lower lip ko dahil nararamdaman ko ang mainit niyang palad na nakapatong sa balikat ko. Hindi ko mapigilan ang pagkabog ng dibdib ko. Sobrang lapit niya sa akin na nakikita ko na ang Adam’s apple niya.
Sa dalawang taon na pagiging close namin ni Uncle Jaxx, ngayon lang ako nakaramdam na parang mauubusan ako ng hininga habang pinagmamasdan ko ang pagtaas-baba ng bukol na iyon sa leeg niya.
“Mabuti naman kung gano’n,” malambing niyang saad. “Basta kapag may nambastos o nanggulo sa’yo, sabihin mo agad sa’kin, ha? Kahit sino pa ‘yan. Kaibigan ko man o trabahador.” Hinaplos ni Uncle Jaxx ang buhok ko kaya lalo kong nalanghap ang mabangong amoy niya.
Hindi ko alam kung dahil ba sa paghagod niya sa buhok ko o sa mabangong amoy niya kaya napapikit ako nang wala sa oras.
“Sige na, matulog ka na para makapagpahinga ka na,” untag niya sa akin kaya napamulat ako. And he's staring at me.
Napahawak ako sa laylayan ng damit ko. Lalo akong kinilig sa titig na iyon ni Uncle Jaxx.
“W-wala na po kayong ipapagawa sa akin?”
“Sinabi ko na ngang wala, ‘di ba? Gusto mo ba talaga na may ipagawa ako sa’yo, Yanna?” tanong niya, sabay ngiti na para bang may ibang kahulugan. “Kasi kung makulit ka, isasama kita sa kuwarto ko. Magpapamasahe ako sa’yo.”
Nanlaki ang mga mata ko. “H-ho?”