CHAPTER NINE

1924 Words
YANNA AYAW talaga ni Lola Salud na mag-enjoy ako sa fiesta. Kaya nang maging abala sina Auntie Marge at Uncle Jaxx sa pagharap sa mga bisita, pinadala niya ako sa kusina para tumulong sa mga kasambahay. “Yanna, hija, ano ang ginagawa mo rito sa kusina?” nagtatakang tanong ni Lola Esme nang makita niya ako na naghuhugas ng mga pinggan. Si Lola Esme ang mayordoma at malayong kamag-anak ng mga Aragon. Pero baby pa lang daw si Uncle Jaxx ay yaya na niya ito. Kaya nang maulilang lubos siya, si Lola Esme na ang itinuring niya na parang pamilya. Napakabait niya na pati ako, itinuturing na niyang parang tunay na apo. Mas close pa nga ako sa kaniya kaysa sa tunay na lola ko. “Medyo naiinip po ako sa labas, Lola Esme. Wala naman po akong gaanong kakilala roon kaya tumulong muna ako dito sa kusina kasi na-miss ko kakuwentuhan itong si Manang Ruffa, eh,” pagdadahilan ko. “Sus, ayaw mo pang aminin na inutusan ka talaga ng Lola Salud mo na tumulong dito sa’min. Para namang hindi namin alam na inaapi ka ng lola mong ‘yon,” sabat naman ni Manang Ruffa. Kaibigan nga pala siya ni Manang Janeth kaya imposibleng hindi niya malaman ang totoo. Naaawa na tiningnan ako ng mabait na mayordoma bago niya hinila ang kamay ko. “Halika. Sumama ka sa’kin sa labas. Kanina ka pa hinahanap ng Uncle Jaxx mo.” “H-ho? Hinahanap po ako ni Uncle?” nagtatakang tanong ko. “Oo. Dumating kasi ang mga kaibigan niya. Gusto ka niyang ipakilala,” nakangiting sagot ni Lola Esme. “Si Uncle talaga. Hindi pa nga po sila kasal ni Auntie Marge pero ipinapakilala na niya ako na pamangkin sa mga kakilala niya,” naiiling kong sagot. “Baka mamaya, hindi naman po matuloy ang kasal nila. Nakakahiya po.” Ang totoo niyan, natutuwa ako sa ginagawang iyon ni Uncle Jaxx. Dahil ipinapakita lang niya na hindi na iba ang turing niya sa akin. Ngayon lang ako nagreklamo nang ganito. “Hayaan mo na. Alam mo naman na proud lang sa’yo ang uncle mong ‘yon,” napapangiti na sagot ni Lola Esme. “Kahit naman ako, gusto ko rin na maging tunay na apo ka. At saka wala naman sigurong dahilan para hindi matuloy ang kasal nila ng Auntie Marge mo, ‘di ba?” “Wala naman po dahil alam naman po natin kung gaano nila kamahal ang isa’t isa. Ang totoo po niyan.” Napakamot ako sa ulo. “Ayaw ko lang talagang lumabas kasi siguradong magagalit sa akin si Lola Salud.” “Hindi iyon magagalit kapag nalaman niya na ang Uncle Jaxx mo ang nagpatawag sa’yo.” Nginitian ako ni Lola Esme pero ramdam ko na naaawa siya sa akin. “Hayaan mo, apo. Darating ang araw na makikita rin ng Lola Salud mo ang mga pagkakamali niya. Basta tandaan mo lang palagi na hindi ka nag-iisa. Nandito lang kami para sa’yo.” Hindi ko mapigilan na maluha nang yakapin ko si Lola Esme. “Maraming salamat po. Maaga man akong naulila at hindi man maganda ang pagtrato sa akin ng lola ko, masaya naman po ako dahil masuwerte ako sa mga taong nakapaligid sa akin dahil mahal na mahal n’yo ako.” Bago pa man kami magkaiyakan ni Lola Esme ay dinala na niya ako sa malawak na bakuran kung saan ginaganap ang salo-salo. Sanay naman na akong humarap sa mga tao dahil palagi rin namang may salo-salo sa bahay. “Halika.” Napansin ni Lola Esme ang pagtago ko sa likuran niya kaya hinila niya ako palapit kay Uncle Jaxx. Biglang kumabog ang dibdib ko nang makita ko si Uncle na kausap ang mga kaibigan niya. Napansin ko na hindi na niya kasama si Auntie Marge. Kahit si Lola Salud, hindi ko na rin makita sa paligid. Kaya kahit papaano, medyo nawala ang kaba ko na baka bigla na lang may humila sa akin. Nakita kami ni Uncle Jaxx kaya kumaway siya habang nakangiti. Napakurap-kurap naman ako. Bawat araw yata ay lalo pang g-um-guwapo sa paningin ko si Uncle. Hinahangaan ko kahit ang pinakasimpleng paggalaw ng mga labi niya. Hindi naman ganito ka-OA ang paghanga ko sa kaniya noon. “Ikaw na ang lumapit. Sasalubungin ko lang ang bagong dating na mga bisita,” bulong sa akin ni Lola Esme at bago pa man ako makasagot ay nakaalis na siya. “Yanna!” tawag sa akin ni Uncle nang mapansin niya na nag-iisa na lang ako at hindi pa rin ako umaalis sa kinatatayuan ko. Akala niya siguro, nahihiya akong lumapit kaya sinalubong niya ako. Pasimple kong pinunasan ang damit ko na nabasa nang kaunti dahil sa paghuhugas ng mga pinggan. Pati ang buhok ko, inipit ko rin sa likod ng tainga ko. Bigla akong nahiyang humarap kay Uncle Jaxx na haggard. Napabuntong-hininga ako habang palapit siya sa akin. I don’t know. Pero nalilito talaga ako sa sarili ko. Bakit ba bigla akong naging conscious kapag nasa paligid lang siya? Eh, dati naman, kaya kong humarap kay uncle kahit madungis ako at amoy-pawis. Dahil sa lalim ng iniisip ko kaya hindi ko namalayan na nakatayo na pala sa harapan ko si Uncle Jaxx. Napatingin ako sa kaniya kaya nagtama ang aming mga mata. Napalunok ako ng laway bago ako nakapagsalita. “U-Uncle,” nauutal na sabi ko at saka ko siya nginitian nang alanganin. “Halika, Yanna. Ipapakilala kita sa mga kaibigan ko,” sabi niya, kasabay ng pagngiti niya nang matamis. “Ngayon na lang uli sila naki-fiesta dito sa Hacienda Aragon kaya ngayon mo lang sila makikilala.” Napakagat-labi ako. “K-kailangan po ba talaga na ipakilala mo ako sa kanila, Uncle? Nahihiya po kasi akong humarap kasi ang dungis ko, o.” Ininguso ko ang mini dress na suot ko na medyo basa pa sa bandang tiyan. Kulay pula pa naman kaya kitang-kita. “Tumulong po kasi ako sa paghuhugas ng mga pinggan sa kusina.” “It’s okay. Mas lalo ka pa ngang s-um-exy,” sobrang hina ng boses niya kaya hindi ko iyon narinig. “Ano po ang sinabi n’yo, Uncle?” “Wala.” Marahan siyang natawa. “Ang sabi ko, okay lang ‘yan. Magpalit ka na lang mamaya pagkatapos kitang ipakilala sa mga kaibigan ko. For now, punasan na muna natin iyan para matuyo.” Pagkasabi niyon ay dinukot niya ang panyo sa bulsa ng pants niya at walang ano-ano na pinunasan ang basang damit ko. Hindi ko napaghandaan ang ginawang iyon ni Uncle Jaxx kaya napaigtad ako. Parang nagtayuan ang mga balahibo sa batok ko habang pinupunasan niya ang damit ko. Parang naramdaman ko kasi na sinasadya niyang dumantay ang palad niya sa tiyan ko. Hinihipuan ba ako ni Uncle? Yanna, ang malisyosa mo! “Is everything alright?” ang baritonong boses na iyon ang nagpabalik sa huwisyo ko at saka ako mabilis na dumistansiya kay Uncle Jaxx. Muntik na akong mapanganga nang mapatingin ako sa lalaking nagsalita kanina. Napatingin din siya sa akin kaya ang mga mata niya ang una kong napansin. Para iyong mga bituin sa gabi. Maliwanag at nakakaakit. Kung si Uncle Jaxx ay may tantalizing eyes, ang isang ito naman ay sobrang captivating kung tumingin. Ang tangos din ng ilong niya at ang ganda ng mga labi niya. Halos magkasing tangkad lang sila ni Uncle Jaxx. Pati ang body built nila. Kahit ang edad nila, parang hindi rin nagkakalayo. Kung hindi ako nagkakamali, baka mas bata lang siya ng tatlong taon kay Uncle. “Hi,” bati niya sa akin. Saka lang ako nahimasmasan sa pagkilatis sa kaniya. Nakatitig pala siya sa akin. “Ikaw ba si Yanna?” tanong niya at ewan kung bakit ang bilis kong tumango kaya inilahad niya agad ang kamay niya. “I’m Emrys.” “One of my friends, Yanna,” sagot ni Uncle Jaxx na tumikhim pa at biglang tinabig ang kamay ng lalaking nagngangalang ‘Emrys’ bago pa man ako makipagkamay sa kaniya. “Ang pinaka-playboy sa lahat. As of now, LUZVIMINDA ang girlfriend niyan. Isa sa Luzon, isa dito sa Visayas at meron pa sa Mindanao.” Hindi ko mapigilang matawa. Akala ko kasi, ‘Luzviminda’ ang pangalan ng girlfriend ni Emrys. “Oh, so you think you’re funny?” reklamo naman ng kaibigan ni Uncle Jaxx, sabay tingin nang masama. “Yeah,” sagot naman ni Uncle na parang wala lang ang pagkapikon ng kaibigan niya. “Kaya nga natawa si Yanna, ‘di ba? Kasi natawa siya sa pagiging babaero mo,” sabi pa niya at kapagkuwan ay bumaling siya sa akin. “Kaya mag-ingat ka sa isang ‘yan, Yanna. Huwag kang padadala sa mga ngiti niyan.” “Inggit ka lang dahil may captivating smile ako.” Binalingan din ako ni Emrys. “’Di ba, Yanna?” aniya sabay kindat sa akin. Pero nagulat ako dahil bigla na lang siyang binatukan ni Uncle Jaxx. “Bata pa ‘yan kaya tigil-tigilan mo sa pagpapa-cute. Pakialaman mo na lahat ng babae sa mundo, huwag lang si Yanna. Kung hindi, lagot ka sa’kin.” Hindi ko mapigilan ang pag-awang ng bibig ko nang balingan ko si Uncle. I know na para sa kaniya, walang malisya ang sinabi niyang iyon. Pero bakit parang iba ang dating sa akin? Kinilig yata pati ang singit ko. Para kasing gusto niya akong bakuran para hindi makadiskarte si Emrys. O nagpi-feeling lang ako? “Bakit naman? Siyota mo ba siya?” tanong ni Emrys na para bang hindi lang nila ako kaharap. Napatanga tuloy ako. “Hindi,” sagot naman ni Uncle Jaxx. “Eh, bakit kung makabakod ka, wagas?” segundang tanong ni Emrys. Palipat-lipat lang ang tingin ko sa dalawang lalaki na parehong guwapo at matatangkad. Magkaibigan ba talaga sila? Kasi kung magbangayan, kulang na lang, magsapakan sa harapan ko. “Siyempre, pamangkin ko siya. Gag*!” Makakatikim na naman sana ng batok kay Uncle Jaxx si Emrys kung hindi lang siya nakailag. Saka lang nila naalalang nag-e-exist pa pala ako. “Pasensiya ka na, Yanna, ha? Ganito lang talaga kami magbiruan na magkakaibigan,” mayamaya ay baling sa akin ni Uncle. “Okay lang po, Uncle. Nakakatuwa nga kayo ni…” Nakangiti na binalingan ko ang kaibigan niya kasi baka magkamali ako sa pagbigkas ng pangalan niya. “Ano nga po uli ang pangalan n’yo?” “Emrys Delgado… At your service. Ang pinaka-hot at pinakaguwapong CEO ng Makati,” sagot niya at yumukod pa kaya natawa na lang ako sa pagiging kalog niya. “Uncle Emrys,” pagtatama naman ni Uncle Jaxx. “Mas matanda pa sa’kin ang gag*ng ‘yan. Puwede mo na ngang tawaging ‘Daddy’ ‘yan, eh!” “Sira-ulo!” si Uncle naman ang nakatikim ng batok mula sa kaibigan niya kaya natawa na naman ako. “Ikaw kaya ang pinakamatanda sa’tin.” Tumawa lang si Uncle Jaxx. “Pinaka-baby face naman.” “Ano ba ang pinagkakaguluhan n’yo diyan? Bakit para na naman kayong mga baliw diyan?” sabay-sabay na tanong ng mga baritonong boses na iyon kaya napalingon ako. Literal na bumukas-sara ang bibig ko nang mapatingala ako sa tatlong nagsisitangkarang lalaki na nakatayo sa likuran ko. Katulad nina Uncle Jaxx at Uncle Emrys, may mga edad na rin sila pero para sa akin, sila ang mga lalaking tunay na mayaman sa kaguwapuhan at kumpiyansa. Nagpalipat-lipat ang tingin ko sa limang lalaking nakapaligid sa akin sa mga oras na ito habang nakanganga ang aking bibig. Kung magbo-boyfriend ako ngayon, sino kaya sa kanila ang pipiliin ko?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD