“I understand you, Vlad, but that’s too much. You almost bought my life,” she said, still in shock. Hindi pa rin makapaniwala si Annie sa natuklasan sa lahat ng pinagagawa ni Vladimir sa buhay niya. “Ayaw mo naman kasing tumanggap ng tulong mula sa akin kaya gumawa ako ng paraan. At least I can still help you. Gumaan ang buhay mo at hindi ka mabaliw sa problema,” ani Vladimir. Pakiramdam ni Annie ay may malamig na hanging yumapos sa kaniyang puso. She appreciate Vladimir’s effort, and it’s priceless. Ginupo na siya ng emosyon at napahikbi. Sa kabila kasi ng pag-iwas niya noon kay Vladimir ay nakagawa pa rin ito ng paraan upang makalapit sa kaniya. Hiyang-hiya na siya rito. It makes sense now why Vladimir ended up living behind her as her neighbor. Hindi lang pala ito basta coincedence.

