Napahawak ako sa ulo ko dahil sa sakit na naramdaman ko. Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko at bumungad sa akin ang puting kisame at ilaw na dahilan ng pagkasilaw ko. Unti-unti ay nagpalinga-linga ako sa paligid. Nakita ko ang nakakabit na IV line sa likod ng palad ko. Bahagya akong bumangon habang nakasapo ang isang kamay sa ulo.
“Nasa ospital ba ako?” pagtatanong ko sa sarili. Narinig ko ang pagbubukas ng pinto at ang boses ni Jas na tila may kausap. Maya-maya pa’y sumigaw na ito.
“Beshy! OMG! Buti na lang gising ka na!” nakakabinging bungad n’ya sa akin at kaagad s’yang lumapit sa gilid ng hospital bed. Bakas sa mukha n’ya ang pagaalala. Pinindot na rin n’ya ang monitoring device na nakakabit sa pader malapit sa headboard upang i-alerto ang nurse sa station.
“Nasaan ako?” tanong ko sa kanya. Umupo ako ng maayos at sumandal sa headboard nang kama.
“Nasa hospital ka, girl! Grabe ka! Pinagalala mo ako. Bigla ka na lang nahimatay sa paglabas natin sa lecture room. May sakit ka ba?” sunud-sunod na wika n’ya.
“Huh? Paano ako napunta rito? Di ba dapat sa school clinic mo lang ako dadalhin?” tanong ko muli sa kanya. Biglang bumukas ang pinto ng ward at pumasok ang isang doctor.
“Oh, You’re awake. I’m Dr. Salvida, ang attending physician mo,” pagbati ni Doc.
Tumango lang ako at tipid na napangiti sa doctor. Napukaw ang atensyon naming lahat sa isa pang lalaking pumasok sa kwarto kasunod ni Dr. Salvida. Nanlaki ang mga mata ko ng makita ang pamilyar na mukha. Napabulong ako kay Jas.
“Anong ginagawa n’ya rito?” pagtatanong ko. Ikinunot ko ang noo ko habang nakatingin sa kanya.
Napansin yata ni Jas na nakakunot ang noo ko kaya siniko n’ya ako at bumulong. “Si Clark ang nagdala sa’yo rito.”
Napaharap ako kay Jas. “Seryoso ka ba? b***h, please.”
“Ahem!” pagputol ng doctor sa amin. “May I suggest to have your family contacted para maipaalam ko ang kalagayan mo?” pagtatanong ni Dr. Salvida.
Bigla kong naalala sila Mommy. Sigurado akong magaalala ang mga ‘yon kapag nalaman nilang nandito ako sa ospital. Magsasalita na sana ako nang biglang sumagot si Clark.
“You can talk to me, Doc,” seryosong sabi nya.
"Uy, girl bakit s’ya ang kakausap? OMG! Ang bait naman n’ya,” bulong ni Jas sa ‘kin na kinikilig sa nangyayari. Hindi pa nga pala alam ni Jas ang tungkol sa amin ni Clark.
“You must be the brother of the patient. Am I right?" pagtatanong muli ni Dr. Salvida.
Saglit na tumingin lang s’ya sa akin at binaling muli kay Dr. Salvida ang atensyon. “She’s my wife, Doc,” seryosong pagaanunsyo n’ya.
Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni Clark. I gave him a confusing look and mouthed at him. “Huh? What the heck?”
Tumikhim si Dr. Salvida. “Very well, please come with me,” saad ng doctor at lumabas ng kwarto na s’yang sinundan ni Clark.
Naikuyom ko ang mga palad ko sa nangyari. Napatingin rin ako kay Jas na kasalukuyang nakanganga pa rin saka huminga ng malalim at kinalma ang sarili. “Isara mo na ‘yan. Baka pasukan pa ng langaw ang loob ng bibig mo, Jas,” banat ko sa kanya sabay akto na itinataas ang baba n’ya para maisara ang kanyang bibig. And as if on cue ay naka-recover ito at pinaghahampas ang hita ko.
“Jas! Ano ba? Oy! Tama na, masakit na. Ganyan ba tinatrato ang pasyente?” pananaway ko sa kanya. Natatawa ako na nasasaktan sa ginagawa ng kaibigan. “Ano ka bang babae ka? Amazona ka kahit kailan!” dagdag ko pa rito.
Napatayo ito sa kinauupuan. “Beshy! Totoo ba mga sinabi ni Clark? I can’t believe this! How could you?” sunud-sunod na sabi n’ya na para bang inagaw ko sa kanya si Clark.
“Yeah.” Iyon lang ang naisagot ko.
Kung bakit ba sinabi ‘yon ng kumag na yun! Sabi n’ya ayaw n’ya na may ibang makakaalam ng sitwasyon namin. Bakit n’ya ni-reveal?
“Girl, kailan pa? When? Where? Why? How?" Kinikilig na sunud-sunod na tanong ni Jas. Napapatalon pa s’ya sa nangyayari.
“Magtigil ka nga! Tili ka ng tili para kang sirang plaka!” pananaway ko sa kanya.
Naupo s’yang muli sa silya sa gilid ng kama ko. “Eh, kasi nga! Seryoso, paanong nangyari?” Inusod pa n’ya lalo ang upuan sa tabi ng kama.
"Shush! Manahimik ka nga! Binubulabog mo na ang ibang pasyente sa kabilang mga kwarto ha! Baka mamaya ay may pumunta na rito at magreklamo. Umayos ka, girl!” patuloy ako sa pananaway kay Jas na hindi pa rin kumalma.
“Kasi naman, girl! Ang swerte mo kaya! Nasa kanya na lahat at nabingwit mo talaga!” kilig na kilig pa rin si Jas.
“Ano s’ya isda?” natatawang komento ko. “Oo nga. Nasa kanya na ang lahat, pati masamang ugali nasa kanya na rin. Winner!” sarkastikong dagdag ko at pinagkrus ang mga braso ko sa dibdib. “Teka. Bakit dito pala ako dinala imbes na sa clinic?” takang tanong ko.
“Kasi nang mahimatay ka, timing na si Papa Clark ang nandoon. Kaya ayun, s’ya na nagbuhat sa’yo papunta sa sasakyan at dito sa ospital,” sagot ni Jas. “At ewan ko sa soon-to-be-doctor s***h husband mo. Hahaha! Sinunod ko lang s’ya habang inaasikaso ka n’ya. Naku! Buti nga wala masyadong tao ng mga oras na ‘yon dahil baka pagkaguluhan si Clark at magkaroon ka pa ng maraming haters!” dagdag pa n’ya.
Naisip ko ang mga posibleng mangyari nang mga oras na ‘yon. Pero ano bang ginagawa ng lalaking ‘yon sa building namin?
Naghahanap ng chicks?
Natawa ako sa pumasok sa isip ko.
But in all fairness, tinulungan naman n’ya ako. Napangiti ako sa ginawang pagtulong ni Clark.
And speaking of the devil, pumasok si Clark sa kwarto na s’yang ikinalingon naming dalawa ni Jas. Sumenyas pa sa akin si Jas na lalabas muna s’ya para makapag-usap kami ni Clark. Iyon lang at dali-dali na s’yang lumabas ng kwarto. Naiwan kami ni Clark na naiilang sa isa’t-isa.
Walang imik na umupo si Clark sa sofa na malapit sa bintana ng kwarto. Hindi ako mapalagay sa kama dahil sa pagkailang na nararamdaman ko. Gusto kong magpasalamat sa ginawa n’ya pero hindi ko alam paano sisimulan. Iginawi ko ang tingin ko kay Clark na sa ngayon ay nilalaro ang cellphone n’ya. Huminga ako ng malalim at nilakasan ang loob.
Bahala na.
“Uhm, ano pala, Clark… Sa-salama—,” bungad ko ngunit hindi ko na naituloy ang sasabihin ko nang biglang magsalita si Clark.
“Sa susunod, siguraduhin mong nakakapagpahinga ka ng maaayos. What happened to you earlier was the result of not getting enough rest,” seryosong sabi n’ya.
Namilog ang mga singkit kong mata. Concern ba s’ya sa ‘kin?
“Huwag mong iisipin na concern ako sa ‘yo. Nakakaabala ka lang ng iba sa kapabayaan mo sa sarili,” walang prenong dagdag pa n’ya.
Imbes na matuwa ako sa ginawa n’yang pagtulong sa akin ay lalo lang sumama ang loob ko. Napayuko ako naikuyom ang mga palad ko. Nanggigigil ako sa narinig ko.
What the hell? Naririnig n’ya ba ng sarili n’ya? Sino bang nagsabi sa kanya na tulungan n’ya ako?
Matalim na tingin ang ibinato ko sa kanya. “Well, I’m sorry I wasted your precious time. You don’t need to be concern of me. Please, get out of this room,” mahinahon ngunit madiin kong salita sa kanya.
“Pwede ka na ring umuwi ngayong araw. I already took care of everything. Hihintayin kita sa baba,” pagbabale-wala ni Clark. Pagkasabi niyon ay lumabas na s’ya ng kwarto. Naiwan akong nagpupuyos sa galit.
Napasigaw ako sa galit na naramdaman ko sa kanya. “Aargh! Ang walang-hiyang ‘yon! Napakasama talaga ng ugali! May araw ka rin Clark Jen Go!”
Sa inis ko ay di ko namalayan na pumasok na pala yung nurse kasama si Jasmin.
“Miss, na-inform po ako na discharge na kayo today. Tatanggalin ko na po yung dextrose,” sabi ng nurse. Mabilis man ang paghinga ko ay pinilit kong pakalmahin ang sarili. Sigurado akong narinig ako ni Jas at sigurado rin ako na magtatanong s’ya sa kung anong nangyari.
Tumango lang ako sa attending nurse at inilahad ang kamay para tanggalin n’ya ang nakakabit sa ‘kin.
“Beshy, anong nangyari sa ‘yo? Bakit narinig kong sumigaw ka kanina? May nararamdaman ka pa ba?” paga-alalang tanong ni Jas. Naupo s’ya sa gilid ng kama ko. Pinalipas muna namin ang oras sa panonood sa nurse habang tinatanggal ang dextrose na nakakabit sa akin. Binigyan ko si Jas ng tingin ng animo’y batang humihikbi at naghahanap ng kakampi. Inabot naman ni Jas ang isa ko pang kamay at hinawakan iyon ng mahigpit.
“Okay na po, Miss. Alis na po ako,” pagiimporma sa amin ng nurse. Tumayo na ako at inayos ang sarili. Tinulungan din ako ni Jas at maya-maya pa’y lumabas na kami ng kwarto.
“Jas, thank you sa pagtulong ha. Nang dahil sa ‘kin, napa-absent ka sa afternoon classes natin,” malambing na pasasalamat ko kay Jasmin. Ipinulupot ko ang braso ko sa kanang braso n’ya habang naglalakad kami papunta sa elevator. Bitbit din ni Jas ang bag ko.
“Ano ka ba beshy, it’s okay. What are friends for, right?” Sinuklian n’ya ako ng ngiti at saka yumakap ng mahigpit sa ‘kin. Hinigpitan ko rin ang pagyakap kay Jas at saka kumalas upang hawakan ang kanyang kamay. Patuloy akong inalalayan ni Jas hanggang sa makarating kami sa labas ng ospital.
“O, s’ya. I have to go now beshy as I still have other things to attend to,” sabi n’ya sa ‘kin at kumalas sa pagkakahawak ko sa kanyang kamay. “Don’t worry, your little secret is safe with me,” kumindat pa ito saka tuluyang naglakad palayo.
I watched Jas as she walked towards her service car. Nagpasundo pala s’ya sa kanilang driver. Kumakaway si Jas sa ‘kin habang umaandar na papalayo ng ospital ang sasakyan at ginantihan ko rin s’ya ng pagkaway habang nakangiti. Natanaw ko rin si Clark na nakatayo sa labas ng sasakyan na nakaparada sa gilid ng bukana ng gusali ng ospital. At imbes na maglakad ako patungo sa direksyon n’ya ay lumiko ako sa kabilang direksyon at dumiretso sa taxi bay ng ospital. Nakapagpara ako kaagad ng taxi at umuwi sa bahay sakay nito. Sigurado akong nakita ako ni Clark.
Bahala s’ya sa buhay n’ya. Grateful pa naman ako sa pagtulong na ginawa mo sa ‘kin pero di bale na lang.
Pagkarating ko sa bahay ay nagdire-diretso ako sa aking kwarto at isinalampak ang sarili sa aking kama.
Napabalikwas ako nang bangon ng marinig ko ang paglagabog ng pinto ng kwarto ko. Iniluwa niyon si Clark na halatang-halata sa mukha ang galit.
“What the hell was that?” umalingawngaw ang sigaw ni Clark sa silid.
I composed myself and tried to remain calm. “I told you I’m thankful at nag-sorry na rin ako sa abalang dinulot sa ‘yo. Do you still need something from me? If there’s none, the door’s wide open. I’m tired and I want to be alone right now,” seryosong sabi ko sa kanya.
Kinakabahan ako sa reaksyon ni Clark!
Agad s’yang lumapit sa akin at pahilang hinawakan ang braso ko.
“A-aray Clark! Ano ba? Nasasaktan ako! Please! Let go of my arm!” pagmamakaawa ko sa kanya. Mukha namang natauhan si Clark at kaagad na binitiwan ang braso ko. Hinaplos-haplos ko iyon at matalim na tumingin sa kanya.
“I told you I’d wait for you so I can drive you home. But what did you do? Sumakay ka lang ng taxi pauwi? My goodness, CJ!” he looked frustrated. Ginulo n’ya ang buhok n’ya habang nagpaikot-ikot sa kwarto saka tumigil at tumingin sa akin.
“Sino ba may sabi na hintayin mo ako? I told you that you need not to be concern of me. Isn’t that hard to understand?” pananagot ko sa kanya. He looked at me in disbelief.
“We are not that close, Clark,” pagdidiin ko pa. He fixed his gaze at me pero agad din naman s’yang umiwas at ginulo muli ang sariling buhok.
“Damn it!” he shouted and stormed out of my room. Naiwan ako sa kwarto na nakaupo sa gilid ng kama at nakahawak pa rin sa braso ko. Rinig ko rin ang paglagabog ng main door sa baba at pagsi-start ng makina ng sasakyan n’ya.
What the hell was his problem? Totoo naman ang sinabi ko dahil wala kaming pakialaman sa isa’t isa!
Nang gabing iyon, walang kahit anino ni Clark ang dumating sa bahay.