CHAPTER 4
Charlotte's Pov:
“Hindi ba next week magsisimula na kayo sa duty n’yo? You can find your names and your assigned barangays posted on the bulletin board outside the faculty room. You may check it afterwards. Class dismissed,” anunsyo ng professor namin. Lumabas na si Ms. Agatha ng room at ilang minuto makalipas ay nagsilabasan na rin ang iba kong mga kaklase upang tingnan ang bulletin habang ang iba naman ay nanatili sa loob ng lecture room. Napabuntong hininga ako at lumingon kay Jas.
“Oh, ang lalim yata ng iniisip mo, beshy," puna n’ya sa akin habang nagaayos ng mga gamit n’ya.
Inisa-isa ko na ring ipasok sa loob ng bag ko ang mga gamit kong nakapatong sa table ko saka ako muling humarap kay Jas.
“Sana kasi hindi ako ma-assign sa malayong barangay katulad ng nangyari two months ago. Halos gumapang na ako pauwi ng bahay that time,” pagrereklamo ko kay Jas.
Two months ago, na-assign ako sa isang malayong barangay. Hindi pa kami kasal ni Clark noong panahon na ‘yon. At dahil sa layo ng lugar, nakakatatlo hanggang apat na sakay ako papunta pa lang doon, tapos ganoon din pauwi. Pagod na pagod ako sa byahe pa lang at kailangan lagi akong maaga dahil sa oras ng shift ko at lalo’t higit maaga dapat na makauwi kasi mahirap naman sumakay kapag naaabutan ng dilim. Those are some of the worst days of my life. Pakiramdam ko isa na akong zombie dahil hindi ako nakakakuha ng maayos na pahinga.
Sana lang talaga. Please Lord, sa malapit na barangay mo na lang ako i-assign.
“Ano ka ba? Work hard, ika nga at worth it din naman lahat sa huli, di ba?” panghihimok sa akin ni Jas.
Tumayo na kami mula sa kinuupuan at lumabas na ng lecture room. Papunta na kami sa sa canteen. Habang naglalakad, iniisip ko ang mga sinabi ni Jas. May punto naman talaga s’ya. Nakakatuwa rin ang mga batang nakakasalamuha naming sa barangay. Sa huli kong duty, medyo na-attached na ako sa mga bata roon kaya kahit pagod pa rin, naglalaan ako ng oras para dumalaw sa kanila.
Nakarating na kami sa canteen at pumila para kumuha ng pagkain. Iniabot ko sa staff ang meal stub naming ni Jas saka inorder ang napili naming pagkain mula sa menu board. Nakahanap naman kami agad ng mapu-pwestuhan na malapit sa bintana, pangatlong hanay mula sa main door ng canteen.
Nagsisimula pa lang kaming kumakain nang biglang bumuwelta si Jas ng pagtatanong. “Teka nga pala, kumusta naman kayo ng asawa mo?” Muntik na akong mabulunan sa narinig. Hinampas-hampas ko ang dibdib ko at si Jas nama’y dali-daling iniabot sa akin ang baso ng tubig. Naubos ko kaagad ang laman niyon. Tiningnan ko ng masama si Jas.
“Papatayin mo ba ako, babae ka? Grabe ka beshy!” nahihingal na sabi ko sa kanya. Hinaplos ko ang dibdib ko saka umayos ng pagkakaupo.
“Hahaha! Sorry na beshy, gusto ko lang naman malaman eh,” natatawang sagot n’ya.
“Ano ka ba Jas? Wag mo nga itanong sa ‘kin yan na parang casual lang ang lahat,” sita ko sa kanya. “Isa pa, simula noong Thursday, hindi kami nagkikibuan ng kumag na ‘yon.”
Kinuha ko ang tinidor sa plato ko at itinutok kay Jas. “It’s been what? Four days? At s’ya ang may kasalanan. Kung hindi ganoon ang paguugali n’ya, malamang maayos akong nakikisama sa kanya,” dagdag ko pa. Nanunumbalik ang panggigigil ko sa lalaking iyon.
“Teka! Teka! LQ pa rin kayong dalawa?” napasigaw si Jas at napatingin sa amin ang ibang kumakain sa canteen. Sumenyas si Jas ng peace habang nagso-sorry sa mga naabala.
Tinampal ko ang kamay ng kaibigan. “Jas, ano ba? OA ka na. Nakakadistorbo ka na,” pananaway ko sa kanya.
“Ano ba kasing nangyari? Bakit warla kayong dalawa?” tanong n’ya. Ikinuwento ko kay Jas ang nangyari sa ospital pagkaalis n’ya at maging ang nangyari sa bahay.
“So, ayun nga. Kaya galit ako sa kanya. And what’s new? Eh, dati pa naman kaming hindi naguusap kung hindi importante ang paguusapan,” pagtataray ko pa matapos magkwento.
“Ay, grabe naman kayo beshy. Kayo lang ang mag-asawang kilala ko na hindi nagkikibuan,” pakunwaring malungkot na sabi ni Jas.
“So what? Hindi lang kami ang mag-asawang hindi nagkikibuan, Jas. That's an arranged marriage for you, beshy,” I said in an annoyed tone.
Napalingon na lang kami ni Jas ng marinig naming ang pagtitilian sa canteen. “Kyaaaaaaah! OMG! Papunta sila Clark dito sa canteen!” sigaw ng isang babaeng nakatayo sa unang hanay malapit sa main door. Tumatalon-talon pa ito sa kilig habang halos magkanda-bali na ang mga leeg mga kasama n’ya sa pagtanaw sa labas ng main door.
Iginilid ko rin ang katawan ko upang maki-usyoso sa pinagkakaguluhan nila. Maging si Jas ay lumingon din at nakisali sa pakiki-usyoso dahil narinig n’ya ang pangalan ni Clark. Maya-maya pa’y tanaw na naming ni Jas si Clark kasama ang mga kaibigan n’ya na papasok sa dito sa canteen. Tuloy pa rin ang pagtili lalo na ng mga kababaihan at ilang mga baklang taga-hanga nila Clark dito sa loob.
Nakakarindi tili n’yo mga ate! Pinagkakaguluhan n’yo ang taong ‘yan na napakagaspang naman ng ugali? Kung alam n’yo lang sana.
Napa-eye roll na lang ako nang lumingon si Jas sa akin na abot hanggang tainga ang ngiti.
“Ang gwapo nila, beshy! Lalo na si Papa Clark!” kilig na kilig na sabi ni Jas.
“Tsk! Eh, ano ngayon kung gwapo s’ya?” inis na bulong ko sa kanya.
“Bakit ba ang bitter mo, girl? Napapaghalataan ka na, ha. Siguro, crush mo na rin si Papa Clark?” humahagikhik na pagbibiro ni Jas.
Napalingon akong muli sa gawi ni Clark at ng mga barkada n’ya. Nagkasalubong ang mga mata naming pero in irapan ko lang s’ya at ibinalik ang tingin kay Jas.
Kung snob s’ya, mas snob kaya ako! Bahala ka sa buhay mo, Clark.
Nagpatuloy kami ni Jas sa pagkain nang maalala ko ang sinabi ni Ms. Agatha kanina. “Jas,” pag-agaw ko sa atensyon n’ya. “Tingnan natin pagkatapos natin dito kung saan tayo naka-assign sa duty next week,” tanong ko.
Tumango lang si Jas sa akin. Binilisan na lang naming ang pagkain upang makapunta kami agad sa labas ng faculty room at matingnan ang bulletin board.
Nang marating iyon, agad kong hinanap sa listahang nakapaskil ang pangalan ko. Hindi naman matao ng mga oras na iyon kasi ang iba sa mga kaklase ko ay sumilip na kanina pagkatapos ng klase.
“Sitio Tander…” pagiisa-isa ko. “Alyssa Perez… Harold Sy…Dallas… Cameron Dallas…”
“Ano beshy, nakita mo na ba pangalan mo?” pagtatanong ni Jas.
“Hindi pa. Wait ka lang, beshy. Iniisa-isa ko pa ang listahan,” sagot ko at bumalik sa ginagawa. “Kyohei Sagawara… Anthony Marcos, Janeth and Ricky Lim, Auborn Co… Ayun! Nakita ko na ang pangalan ko!” sabay turo sa pangalan ko.
Sinilip ni Jas ang direksyon ng itinuturo ko sa listahan. “Oo nga. Charlotte De la Fuente. Sa Sitio Tander ka pala. Kasama mo sila Auborn?”
“OMG! Jas, makikita ko na naman ang mga bata!” I told her excitedly. “Kaya lang malayo na naman ang duty ko,” biglang bawi ko.
“Okay lang ‘yan. Keri mo ‘yan, beshy. Full support lang ako sa ‘yo,” panghihimok ni Jas.
Sa tingin ko naman ay okay nga lang din. Di bale na malayo dahil worth it naman na makasama ang mga bata. After ng duty sa barangay, sa ospital naman ang sunod na magiging schedule. Simula second year, matapos ang Capping ceremony ay nakakapag-duty na kami maalin man sa ospital o rural areas. Parte ng curriculum namin ang tinatawag na 2-2 Plan kung saan two weeks kaming magdu-duty at pagkatapos niyon ay dalawang linggo rin na klase. Vice versa lang sa schedule para balanse ang academics at practicum.
Napatingin ako sa wrist watch ko. Malapit nang matapos ang lunch break namin. Kinalabit ko si Jas na patuloy ang pagtingin sa listahan. “Jas, balik na tayo. Look at the time, it’s almost one thirty.” Iyon lang at umalis na kami ni Jas sa harap ng bulletin board.
Nakapulupot ang mga braso ni Jas sa kanang bisig ko habang naglalakad sa hallway samantalang ako naman ay iniisip ang magiging duty namin.
Paano kaya pagba-byahe na ako? Magsabi kaya ako kay Mommy na magpapahatid-sundo ako sa driver namin? Pero needed din ni Daddy si Manong. Hmm… Di bale, iisip na lang ako ng plano ko mamayang pag-uwi sa bahay.
Sakto lang ang dating namin ni Jas sa laboratory dahil kasabay naming dumating sa klase si Mr. Del Mundo. Dali-dali kami ni Jas na naupo sa likurang bahagi ng silid.
“Okay class. Since duty week n’yo naman simula next week, light lang tayo today. Gusto kong gumawa kayo ng walong NCPs. Five hours ang klase, and it’s one thirty-five now. By six thirty, please submit your papers,” pagaanunsyo ni Mr. Del Mundo. “Please distribute these copies as your reference data for the NCPs,” dagdag pa n’ya at inilabas mula sa dalang bag ang may kakapalang mga papel.
Nag-react sa sinabi ni Mr. Del Mundo ang mga kaklase ko pero tiningnan lang kami ng professor.
“All right. Since gustung-gusto n’yo ang gumagawa ng NCPs, make that ten. Remember, until six thirty lang ang klase. Once done, submit your papers and you can go home,” mahinahong announcement ng professor. Natahimik ang lahat. Tanging bulungan at ingay ng mga papel at bag ang nagpapaingay ssa klase.
Tumayo ang isa sa mga kaklase kong nakaupo sa unang hanay at inabot ang ibinigay ng professor saka s’ya bumalik sa upuan at sinimulang ipasa papunta sa likuran ang mga papel. Bawat isa sa amin ay kumuha ng kopya. Sumilip ako kay Jas upang i-kumpara ang nakuha kong reference data.
“s**t! Magkakaiba talaga tayo? Grabe, ang sipag ni Sir kumuha ng reference data para sa NCPs. Ibang level ng dedikasyon!” pagbulong ko kay Jas.
Nginitian lang ako ng malaki ni Jas at saka ibinaling ang atensyon sa activity.
Sa totoo lang, mahirap din gumawa ng NCP o Nursing Care Plan. Yung lima nga na may kasamang presentation noong nakaraan sa klase ni Ms. Agatha, hirap na ako, ito pa ba? Sabi ng mga nauna sa amin, okay pa raw kasi nagbibigay ng reference data yung mga professors namin. Sa actual kasi, walang ganoon! Real time pa!
Tinampal ko ang dalawa kong pisngi at huminga ng malalim. This is going to be a long day. Sumilip akong muli sa wrist watch ko at nagsimula nang gumawa. I need to focus para makatapos agad.
Nakaka-siyam na ako nang mapatingin ako muli sa wrist watch ko.
Shit! It’s already six o’clock.
I looked around and saw that most of my classmates have already submitted their papers and gone home. Kaunti na lang kaming naiwan sa room. Buti na lang nandito pa si Jas.
“Psst!” tawag ko kay Jas. “Tapos ka na ba?” tanong ko ssa kanya.
“Yeah,” sagot n’ya habang nakatingin sa papel n’ya. “Nire-review ko na lang itong last ko and ipapasa ko na,” dagdag pa n’ya.
Nanlaki ang mata ko. “Isa na lang ang kulang ko, Jas.” Ibinalik ko ang atensyon sa ginagawa kong NCP.
Maya-maya pa’y kinalabit na ako ni Jas. Napatingala ako sa kanya. “Beshy, tapos na ako. Mauuna na rin ako sa’yong umuwi kasi nariyan na si Kuya ko. Bye beshy! Love you, ingat ka pag uwi mo, ha!” pamamaalam ni Jas sa akin.
“Okay lang. Sige, go ahead na. Ingat kayo, ha?” humawak pa ako sa kamay n’ya. Iyon lang at kinuha na ni Jas ang mga gamit n’ya at dire-diretsong lumabas ng laboratory. Tumingin ako sa paligid at nakitang walo na lang kaming naiwan.
Shit talaga! Isa na lang, makakauwi na ako!
Nag-focus akong muli sa ginagawa. By six twenty-seven, natapos ko rin ang last NCP. Tumayo ako agad at lumapit kay Mr. Del Mundo para ipasa ang papel ko. After that, I hurriedly grabbed my bag and left the room.
“Buti na lang talaga umabot ako sa oras! I have to go home now. Rush hour pa naman at napakahirap kumuha ng sasakyan,” sambit ko sa sarili saka nagmamadaling lumakad palabas ng university.
Sinubukan kong maghintay ng masasakyan sa loading area isang kanto ang layo mula sa school. Maraming akong nakasabay doon na naghihintay rin ng masasakyan para makauwi. Niyakap ko ang bag ko at maya’t-mayang patingin-tingin sa wrist watch. Halos lahat ng dumadaan na mga sasakyan ay puno ng pasahero.
Hala! Anong oras na? Wala pa ring masakyan. Grabe ang rush hour, ha!
Walang anu-ano’y biglang kumidlat sa may kalayuan at rinig ko ang kasunod na malakas na pagkulog.
Shit! Uulan pa yata.
Dinukot ko ang loob ng bag para hanapin ng payong ko saka ko naalala na naiwan ko pala ito sa bahay. Napakapit ako ng mahigpit sa strap ng bag ko at tumingala sa madilim na langit.
Ulan, please lang. Wag ka munang babagsak. Hayaan mo muna akong makarating sa bahay bago ka bumuhos. Utang na loob!
Sa awa naman, may tumigil na UV Express sa loading area. Kaunti lang ang pasahero nito. Ngunit hanggang sa ikalawang kanto lang mula sa village namin ang ruta ng UV Express. Kailangan ko pang maglakad ng may labinlimang minuto para makarating sa gate ng village namin. Hindi na ako nagdalawang-isip pa. Sumakay na ako kahit pa ganoon ang mangyayari. Mas ayos na iyon sa akin dahil kahit paano’y mas malapit na iyon sa village kaysa naman maglakad ako ng tatlo o apat na kilometro mula sa school. Pumuwesto ako sa unahan, katabi ang driver.
Nagsisimula nang umandar ang sasakyan nang mapatingin ako sa labas ng windshield ng sasakyan at nakitang may dumating na isang jeep na ang nakasulat na ruta ay ang pangalan ng village na kasunod ng sa amin. Ibig sabihin, mapapadaan iyong jeep sa gate ng village namin. Napanganga na lang ako.
Pambihira naman oh! Kung kalian naman talaga! Ano ba yan? Ang malas ko naman!
Hindi ko na naisip na bumaba dahil nakita kong kaagad na napuno ang sasakyan. Napabuntong hinginga na lang ako sa nangyari.
Malapit na ako sa last destination ng UV Express nang ibigay ko ang bayad ko. Ilang saglit pa’y pumara na ako at bumaba ng sasakyan. Nang makaalis na iyon, saka naman biglang bumuhos ang ulan na siyang ikinagulat ko at nagsimula na akong tumakbo. Ang bag na nakasabit sana sa balikat ko ang ginawa kong pandong sa aking ulo upang kahit paano’y may proteksyon sa ulan ngunit wala rin iyong silbi dahil sa paglapit ko sa aking destinasyon ay s’ya ring paglakas ng buhos ng ulan. Yung loob na lang yata ng bag ang hindi nababasa niyon. Naiinis na ako sa sitwasyong kinakalagyan ko sa ngayon.
Napakamalas ng araw ko talaga! Maliligo ako kaagad pagkarating sa bahay dahil siguradong sisipunin ako kapag nagtagal akong nakasuot nitong basang uniporme.
Narating ko rin sa wakas ang gate ng village namin. Agad akong nakilala ng dalawang security guards at dali-dali akong pinagbuksan ng gate. Saglit akong sumilong sa labas ng guard house.
“Ma'am ba’t naman po kayo naliligo sa ulan?” tanong ni manong guard sa akin.
Nanga-asar ka ba kuya?
“Naku manong, wala na kaming tubig sa bahay kaya napagpasyahan kong maligo na lang sa ulan. Sayang lang at hindi ako nakapagdala ng sabon at shampoo," sarkastikong sagot ko sa kanya. “Ano ka ba Manong, naiwan ko ang payong ko! Wala ba kayong payong d’yan?”
Napakamot na lang s’ya sa sariling ulo. “Naku Ma’am, pasensya na po. Dinala po ng isa pang guard ang payong. Nagro-roving po s’ya sa ngayon. Tumingin ako muli sa langit. Mukhang matagal pa bago matapos ang ulan. Nagpasya na lang akong sumugod muli total basa na rin naman ako. Ililigo ko na lang ito pag uwi ng bahay. Masama lang itong sitwasyon dahil mahina pa ang katawan ko.
Kagagaling ko lang sa ospital noong nakaraan at pinayuhan na kailangang magpahinga pero heto ako ngayon, nagiisa, basang-basa sa ulan.
Nagpakawala ako ng hininga saka tumakbo muli sa ulan habang nakapandong sa ulo ko ang aking bag. Hindi ko na hihintayin pang matapos ang ulan dahil kailangan ko agad makauwi at makapagpalit ng damit.
Nang marating ko ang gate ng bahay naming, dali-dali ko itong binuksan. Mabuti na lang at nasa bulsa ko lang ang kopya ng susi ko sa bahay. Patakbo pa rin ako hanggang sa makapasok na ako sa loob mismo ng bahay namin. Ikinuskos ko ang suot na sapatos sa doormat.
Rinig ko ang malakas na ingay mula sa TV. Napalingon si Clark sa gawi ko at nakita ko ang panlalaki ng mga mata n’ya.
“Bakit basang-basa ka?” biglang tanong n’ya sa akin. Pinatay ni Clark ang TV at akmang tatayo mula sa kinauupuan.
“Malamang naulanan. Kailan ka pa hindi nababasa sa ulan, aber?” nanginginig na papilosopong sagot ko sa kanya at nagsimula na akong maglakad papunta sa hagdan upang dumiretso paakyat ng kwarto ko. Saka ko na lang pupunasan ang sahig pagkatapos ko asikasuhin ang sarili.
Giniginaw na rin ako, napapasinghot at napapabahing. Nanghihina na rin ang katawan ko sa lamig na nararamdaman. Masama ito.
Yakap-yakap ko ang sarili habang nanginginig na naglalakad paakyat ng hagdan nang bigla akong nadulas. Sa bisig ni Clark ako bumagsak. Hindi ko namalayang nakasunod pala s’ya sa akin. Napatingala ako sa kanya at ilang saglit pa’y nawalan na ako ng malay.
Nagising ako sa init ng bagay na naramdaman kong dumampi sa noo ko. Iniikot-ikot ko ang tingin ko sa paligid na naalimpungatan pa at sa pinagmulan ng mainit at komportableng pakiramdam. Naaaninag ko ang isang lalaki na nakapatong ang isang palad sa aking noo at tuluyan na akong nagmulat ng mga mata. Inalis ng lalaki ang kanyang kamay sa aking noo.
Nagpaulit-ulit ako sa pagkurap upang umayos ang paningin saka ko muling inilibot ang mga mata sa paligid.
Teka, kwarto ko ‘to, ah. Paano ako nakarating dito?
Unti-unti ay bumangon ako mula sa pagkakahiga. Ang lalaki kanina ay bahagyang nakatayo sa tabi ng kama ko at inalalayan akong sumandal. Tiningala ko s’ya at nakita ang lalaking walang iba kundi si Clark.
“Kumusta na ang pakiramdam mo?” pambungad na tanong n’ya.
“Anong nangyari?” pagtatanong ko rin sa kanya.
“Hinimatay ka kanina. May fever ka na,” pagiimporma n’ya sa akin at umupo sa silya sa tabi ng kama ko.
Natigilan ako at pilit na inalala ang mga nangyari. Tiningnan ko muli si Clark. “Basang-basa ako ng tubig ulan. Don’t tell me, ikaw ang—,” nanlaki ang mga mata ko sa bagay na pumasok sa isip ko.
“Yes, ako nga ang nagpalit ng damit mo. I have no other choice. Hindi kita pwedeng hayaan na lang at basa pa ang damit. Lalong lalala ang lagnat mo,” sabi n’ya. “Oh, heto at may dala rin akong food. Instant lang yan, niluto ko sa microwave.”
Nakita ko ang isang bowl ng pagkain na nakapatong sa tray sa bedside table ko. Umuusok pa iyon ng kuhanin ni Clark. Inilapag n’ya iyon sa ibabaw ng kama. Inamoy ko ang pagkain. Amoy pa lang, alam ko na maalat ‘yon.
“Ano ‘to?” tanong ko muli sa kanya.
“Di mo ba kita? Instant noodles yan. Yung sopas,” naka-poker face na wika ni Clark sa akin.
“Okay,” mahinang sagot ko. Kinuha ko ang kutsara sa tray at nagsimulang humigop ng sabaw sa bowl. Saka ko naramdaman ang gutom. Itinuloy ko ang pagkain at nang makakalahati na ang nauubos ko ay saka ako tumigil at tumingin kay Clark na tahimik lang na nanonood sa pagkain ko. Nakaramdam ako ng pagkailang.
“Thank you. I think you can leave now. I can handle it from here,” sabi ko sa kanya.
“Tsk! If you can take care of yourself then, hindi k asana inaapoy ng lagnat ngayon,” pagalit na banat ni Clark. Muntik akong masamid sa sinabi n’ya.
Napaubo ako ng ilang beses bago nagsalita. “Hindi ko naman kasalanan na mabasa ng ulan. Wala akong choice dahil wala akong masakyan kaagad pauwi kanina,” depensa ko sa sarili.
Teka, bakit ba ako nagpapaliwanag sa kumag na ‘to? Lalo yata akong magkakasakit sa pakikipagusap sa kanya. Bwisit talaga!
“Eh, di sana itinext mo ako,” muling banat n’ya na s’yang ikinalingon ko sa kanya at pinandilitan.
“Aba at pasasakayin mo ba ako sa kotse mo? At isa pa, susunduin mo ba ako kung sakali?” bwelta ko sa kanya.
Natahimik si Clark. Obviously, wala naman s’yang pakialam sa akin. Ipinagpatuloy ko ang pagkain.
“Nga pala, hindi na kita nilagyan muli ng bra kasi nahirapan na akong bihisan ka,” he said nonchalantly na agad ko namang ikinasamid at halos maibuga ko ang laman ng bibig ko. Tumayo agad si Clark at hinagod ang likod ko.
“How could you say that so easily? Wala talagang preno, Clark?” naiinis na tanong ko sa kanya. Binigyan n’ya ako ng tubig at agad ko namang ininom iyon at saka n’ya iniabot ang gamot ko.
“Relax, CJ. I didn't see anything and you know there are ways to change someone’s clothes without seeing their naked body, right?” Napatango na lang ako sa sinabi n’ya. Para sa amin, it should have been normal dahil nga sa kursong inaaral namin but still!
“Rest now, Charlotte,” he said as he looked at me as if he was worried at kinuha ang tray ng naubos na pagkain sa kama at ipinatong iyon sa ibabaw ng bedside table ko.
“That's the first time you called me Charlotte! Anong nakain mo, Clark?” puna ko.
Nang namalayan kong nakatitig na kami sa isa’t-isa ay umiwas ako ng tingin. Inihiga ko na ang sarili sa kama. Inalalayan n’ya ako makapwesto ng maayos at hinila n’ya pataas ang kumot ko upang matakpan ang buong katawan ko.
I grabbed the ends of the sheets. “I can manage Clark. Hindi naman ako lampa,” I told him. I know I'm already being rude to him though I’m thankful na inaalagaan n’ya ako ngayon. I started to feel more awkward. Tumayo si Clark at lumpiat ng upo sa sofa na kaharap nang kama ko.
“Ano pang ginagawa mo d’yan Clark? Matutulog na ako," I said as soon as I lie down.
“I'm going to keep you company and watch over you,” he informed me.
“Ayokong nandito ka, Clark.” Well, I’m being honest. He just gave me a straight face.
"You don’t have a choice, Charlotte. Now, go to sleep," he said in a firm tone.
Wala na akong choice kaya inirapan ko lang s’ya at humarap sa kabilang direksyon patalikod sa kanya. Pinilit kong ipikit ang mga mata upang dalawin ng antok ngunit ilang minuto na ang lumilipas ay gising na gising pa rin ang diwa ko. Isa pa, pakiramdam ko rin na nakatitig sa akin si Clark mula sa pwesto n’ya.
This is awkward. Paano na ako makakatulog?
May biglang parang kuryente akong naramdaman kasunod ang mainit na palad na lumapat muli sa noo ko. Siguradong kay Clark ‘yon. Rinig ko rin ang ingay ng pagkaluskos sa paglapit n’ya lalo sa gilid ng kama ko. Huminga pa s’ya ng malalim.
“Why do you always make me worry, Charlotte? What are you doing to me?” he asked in whisper.