"Tagay mo na Manang" abot ni Belle ng baso na may lamang konting gin na hinaluan ng orange juice "Lasing ka na yata Belle. Wala ka namang kinukwento, napangalahati na natin 'to." sagot naman ni Manang na hindi naman natitigatig sa iniinom samantalang mahilo-hilo na si Belle. "Alam mo Manang, 'wag moh namang igayah yung bituka koh sha bituka mong gawa sha aluminum. hik. Hindi naman talaga ko manginginom. hik. Gushto ko lang ilabas sama ng loob koh." mapungay na ang mga mata ni Belle habang nagsasalita. Muling nilagok ni Manang ang inabot na tagay sa kanya ni Belle saka ito nagsalita. " Eh ano ba kasi ipinagpuputok ng butse mo?" "Alam mo Manang... may jowa ako... alam mo namang ang jowa di ba... boyfriend." "Mmm" si Manang. "Manang, nakita ni Apol 'yung jowa ko. May kasama ng ibang bab