Isinantabi muna ni Belle ang inis na nararamdaman niya kinabukasan. Matapos niyang bihisan ang mga bata ay nag-ayos na don siya kahit paano. Nag-dress siya ng blush pink at tinernuhan niya ng skintone na sandals na may mababang takong. Inisip niyang uupo din siya sa linya ng mga magulang at ayaw naman niyang maging alangan siya sa mga makakatabi. Nagpulbos lang siya at naglagay ng konting lipstick. Hindi na niya kailangang mag-ayos ng buhok dahil maganda na tingnan ito dahil sa haba at bagsak nito. Gayunpaman, hindi pa din niya maikubli ang totoo niyang nararamdaman. Paglabas ng kwarto ni Clifford ay naka three-fourth itong polo long sleeves na puti at naka- slacks na semi-fit na kulay mocca at brown na leather shoes. Mukha itong mabangong-mabango sa suot niya. Idagdag pa ang makisig ni