Hindi agad nakatakbo si Belle para habulin ang balabal niya ng makita niyang hawak na ito ni Dwayne. Itinaas pa ni Dwayne ang balabal at iwinagayway pa 'yun habang nakangiti sa kanya. Nanlambot na naman ang mga tuhod ni Belle. Tinutunaw siya unti ng unti ng mga ngiting 'yun, lalo na ng makita niyang inamoy pa ni Dwayne ang hawak nitong balabal. Kitang-kita ni Belle na napapikit pa si Dwayne habang nasa ilong nito ang hawak ng dalawang kamay niyang balabal. Nagsimulang manginig ang tuhod niya ng makita niyang papalapit sa kanya si Dwayne. Mas lumalapit ay mas lumalakas ang panginginig ng tuhod niya. Hindi na niya kayang ihakbang pa ang mga paa. Kailangang masaktuhan niya ang paglapit ni Dwayne at kakapit siya dito para hindi siya tuluyang bumagsak. Malapit na malapit na si Dwayne, malapit