"Uy Belle." tawag ng pansin ni Manang Lucing. "Napuwing ka ba at panay ang pikit mo d'yan." Noon lang napansin ni Belle na wala na pala sa harap niya si Dwayne. Nang nilinga niya ay buhat na nito si Pieter at inilalapit sa pisngi ng Mama niya para humalik. "Hello po Mam, kamusta po? Na-miss ko po kayo." bati ni Belle kay Mama Lucia "Ka-plastik naman kini. Giatiman mo ba ang akong mga apo sa husto nga paagi?" sagot ni Lucia kay Belle "Ano daw po?" baling ni Belle kay Clifford Tatagalugin na sana ni Lucia ng sumagot si Clifford. " Yes Ma. Belle is doing one hundred percent good. 'Yung ginagawa niya is more than i expected." "Buti naman." masungit na sagot ni Lucia at ibinalik nito ang pansin sa apong si Pieter." So how's my apo? Wat du yu layk Piter? " "Ma, gutom na kami. May pagkai