Nakamasid lang si Clifford sa mga ginagawa ni Belle. Matapos paliguan ang mga bata ay binihisan na din ito ni Belle. Ang paglalagay ng pulbos at panyo sa likod ng mga bata ay hindi naman itinuro kay Belle pero ginagawa niya ito. "Oh kids, you will wear your polo later after we eat lunch. Try not to get dirty ha." si Belle matapos isintas ang mga sapatos ng mga bata. Matapos kumain ay nagbihis na si Belle para ihatid ang mga bata sa paaralan. "Sir hatid ko po muna ang mga bata." paalam ni Belle habang akay na ang mga bata "Oh kiss na before going to school." si Clifford "Ako po sir?" tanong ni Belle "Ha? Ikaw Belle palabiro ka talaga. Come on kids." tawag ni Clifford sa mga anak. Lumapit ang mga bata at humalik sa Daddy nila. "Akala ko kasama na ko." sabi ni Belle sa sarili niya "Jo