Matapos ang kanilang laro ay pinunasan muna ni Belle ng pawis ang mga bata at pinapasok sa kanilang kwarto para magpahinga. "Belle ha, first time akong napasayaw. But it's so much fun." sabi ni Clifford ng bumalik na sa sala si Belle "Sir, galing mo ngang gumiling eh." si Belle "Pinagtatawanan nyo nga ako ni Manang. Nakita ko si Manang tawa ng tawa kanina. Nanunuod pala." natatawang sabi ni Clifford "But anyways, masaya naman mga bata kahit ginawa mo kong clown. San mo naman natututunan yung mga ganung laro?" si Clifford na isinandal ang katawan sa sofa na animo'y hapong hapo "Sir, batang kalsada po ako nuon. Kapag walang dumadaang sasakyan sa tapat namin ayun sumisingit kami ng mga kalaro ko. Hindi lang yun sir. Marami pa po. Naituro ko na din yung iba sa mga bata." kwento ni Belle