Napatitig siya sa tubig ng swimming pool. Sa sobrang sakit ng nararamdaman niya noon, pati pagkitil sa buhay niya ay pumasok sa isip niya. Mukhang kung itinuloy niya iyon, maging sa kabilang buhay ay tiyak na dala niya ang pagsisisi dahil naging mahina siyang nilalang. Isang kaluluwa na puno ng pagsisisi. Ipinilig niya ang ulo at nayakap ang sarili nang umihip ang malamig na hangin. Bahagya siyang napaiktad nang mula sa may likuran niya ay may mga bisig na yumakap sa kaniya. Si KG. “Lately, nasa punto ako na gusto ko ng patabunan ang pool na’yan,” ani KG na nakatuon din ang tingin sa may swimming pool na maliwanag ang ilalim ng tubig dahil sa ilaw na naroon. “Bakit naman?” “Naaalala ko palagi ‘yong muntik mo ng gawin.” “Forget it, KG,” aniya na kumalas na mula sa pagkakayakap nito k

