NANG ihatid siya ng nurse sa labas ay naabutan niya si Alejandro na nagpapahangin. Muli ay napakalalim ng iniisip nito gaya kanina. Sa pagkakataong iyon naman ay tanaw na tanaw niya na ang mukha ng lalaki dahil nakaharap na ito sa kaniyang gawi. Hindi maipinta ang mukha nito at halatang-halata na mayroong gumugulo sa isip nito. Kung sabagay sa isip ni Assi, lahat naman ng tao ay may dapat isipin, kaya nga lamang ay tila kay bigat ng sa lalaking ito. “Good evening, Mr. Portalejo.” Itinulak pa siya papalapit ng nurse upang tuluyan na silang mapansin ni Alejandro. “Heto na po siya, puwede na pong umuwi. Sundin na lamang po ang mga bilin ni Doc kanina.” Napansin naman sila ni Alejandro at nabura ang lungkot sa mukha nito. Naging blangko saka tumango. “Thanks,” he said and moved on her back