SI ALEJANDRO ang bumungad kay Assi sa pagbukas ng pintuan. Bihis na bihis ito at seryoso ang mukha. Halata ring bagong paligo dahil bahagya pang basa ang buhok nito. “Did you locked the door last night?” he asked and looked at her. Tumunog ang hawak nitong mga susi. Mabilis siyang umiling. “Hindi, paano ko gagawin ‘yon kung hindi ako makalakad? Hindi nga ako makapunta sa banyo.” Nang maalala ang sugat sa paa ay napabuntong hininga. Kumikirot pa rin ito ngunit hindi na gaano kasakit gaya kagabi. “Alright,” wika ni Alejandro, “Dress up, we have somewhere to go. I need you to get ready in ten minutes.” Nanlaki ang kaniyang mga mata. “Ten minutes?! A-ang bilis naman, eh hindi nga ako masiyadong makatatayo. Paano ako kikilos?” “That’s not my fault. It's all yours. Your ten minutes is run