NANLALAMIG ang mga palad ni Assi nang bumaba sila ng sasakyan. Kasama niyang muli si Alejandro, samantalang si Simon ay wala dahil sa ilang trabaho na inaasikaso nito bilang isang abogado. Ngayon ang simula ng surrogacy, heto nga at papasok na sila sa isang clinic na siyang magsasagawa nito. Nasabi naman na sa kaniya ng lalaki na ngayon pa lamang sila magdo-donate ng kanilang mga specimen at makatatanggap sila ng tawag sa oras na mayroong mabuong embryo, saka iyon ilalagay sa kaniyang uterus upang ipagbuntis. Nasabi man ito ni Alejandro ay hindi niya pa rin maiwasang lamigin at pamasaan ng mga palad. Ang kaba niya ang lalong tumitindi, ngunit kailangan niyang lakasan ang kaniyang loob. “They’re calling you now.” Nagising siya mula sa malalim na iniisip nang masirinig ang seryosong bose