KINABUKASAN ay matinding kaba ang naramdaman ni Assi, hindi dahil sa medical examination na sasailalim siya kundi dahil sa lalaking darating sa tapat ng kanilang bahay upang sunduin siya. Si Alejandro. Talagang kumakabog ang kaniyang dibdib at aligagang-aligaga siya ngayong araw. Maaga siyang nag-asikaso, maagang naligo kaya heto siya at wala pa man ang lalaki ay pinagpapawisan na siya dahil sa init ng panahon. “Hay, jusko.” Pinunasan niya ang kaniyang noo at tumingin siya sa wall clock. Sa kaniyang pagtayo ay nakarinig siya ng ingay sa labas, tila boses ng kanilang mga kapit bahay. Tumayo siya mula sa kinauupuan at lumabas upang tignan kung ano iyon, doon niya nakita ang mga ginang na nasa labas ng kani-kanilang bahay at nakatingin sa isang itim na sasakyang pumarada sa tapat ng bahay n