HINDI lamang isang ulit napabuntong hininga si Assi. Ngayon pa lamang ay nais niya nang maglaho sa kapabayaang ginawa. Kung bakit ba naman kasi nagpadalos-dalos siya sa pagpirma? Hindi talaga siya nag-iisip. Masiyado siyang pabaya. Ngayon ay hindi na siya maaring tumanggi dahil nakapirma na. Nawala siya sa iniisip nang mayroong ilapag sa lamesa si Alejandro. “You forgot this.” Iniabot nito sa kaniya ang hawak ng lalaki.
Nang tanggapin niya ito ay saka niya naalala ang cheque, hindi niya napansin noong isang araw na naiwan niya ito. Kung sabagay ay ayos lang naman iyon dahil wala pa naman siyang karapatang tumanggap ng pera nang araw na iyon dahil wala pa siyang napipirmahan na kontrata. Napatingin siya sa lalaki. Kung paano nito ibigay sa kaniya ang papel na iyon na naglalaman ng malaking halaga ay parang balewala lamang, ganoon ba ito kayaman?
“I guess we weren’t clear last time we talked, nagmamadali kasi tayo,” muling wika ni Alejandro at nakatingin sa kaniya. “That money is the down p*****t, and you’ll get the full p*****t once the baby was born healthy and safe.”
Napanganga siya roon. Down p*****t? Tatlong milyon?! Seryoso ba ‘to? Puwede na akong umaktong milyonarya sa laki ng perang ‘to! Mahigpit siyang napahawak sa cheque ngunit siniguradong hindi iyon malulukot. Aba’y sayang ang tatlong milyon kung lulukutin niya lamang iyon. “Kung ganoon nakasaad sa kontrata na babayaran mo lang ako nang buo kung healthy ang bata? Tama ba ang pagkakaintindi ko?”
He nodded. “Siguro naman wala kayong history ng kahit anong sakit?”
Mabilis siyang umiling. “Wala naman ho.” Hindi niya alam kung saan siya kumukuha ng lakas ng loob ngayon upang kausapin ang lalaking ito sa kabilng ng tensyon. Siguro ay dahil sa malaking halaga na hawak.
“Before the surrogacy, you need to undergo for medical examination.”
Napatango na lamang siya. Wala namang mawawala sa kaniya roon, batid namang maayos ang magiging resulta. Isa pa ay kung kasama talaga iyon sa halaga ng perang hawak ngayon ay wala siyang pakialam. She will do everything. Hindi biro ang perang hawak niya.
“After the successful surrogacy, you are able to withdraw the money.” Alejandro was staring at her, trying to read her reaction.
Tumango na lamang si Assi. “Okay.” Hindi naman siya nalungkot doon, dahil sigurado naman siyang masisimulan na kaagad ang plano ng mga ito at makukuha niya na ang pera. Kaya nga lamang ang pinoproblema niya ngayon ay ang pagtira sa iisang bahay kasama si Alejandro. Napatingin siya sa lalaki. She began to imagine life living with this man. Hindi niya naman ito kilala nang lubos kaya paano niya itong pakikisamahan sa iisang bahay?
“What?”
Nagising siya mula sa kung anong iniisip nang magsalita ang lalaki. Nanlaki ang kaniyang mga mata at mabilis na umiling. “W-wala, pasensiya na may iniisip lang ako.”
“Tungkol ba sa kontrata?” tanong ni Simon, “May hindi ka ba nagustuhan sa mga nakasaad sa kontrata? Puwede naman natin ‘tong ulitin—”
“No way, Simon,” kalmadong wika ni Alejandro na nakapagpahinto sa kaibigan, “I have nothing to change about the contract, if she does not like any then I can choose someone else.” Hindi nais ng lalaki na mayroong baguhin kahit na isa sa nilalaman ng kontrata. He’s decided. Isa pa ay hindi nito gawaing mamilit ng tao. “There was someone who will accept my offer for sure.”
“Wala naman akong hindi nagustuhan. Ayos lang sa ‘kin lahat.” Pinilit niyang ngumiti upang kumbinsihin ang dalawa. Hindi niya hahayaang mapunta pa sa iba ang malaking halagang hawak ngayon. She already thought of the things she can do with this huge amount of money. Malaking bagay ito at hindi niya sasayangin. Wala na siyang pakialam kung sino ang dapat niyang pakisamahan. Iisipin niya na lamang ang malaking halaga na katapat nito.
“Good, kung ganoon wala na tayong dapat problemahin. Tuloy na tuloy na.” Inayos ni Simon ang mga dokumento at maingat na pinasok sa loob ng briefcase nito. “Let’s meet tomorrow for your medical—”
“I’ll come with her, Simon, you don’t have to handle about it. Your job is done.” Hindi na nais ni Alejandro na makaabala pa sa kaibigan lalo na at labas na iyon sa trabaho nito bilang abogado. “You have many things to do about the contract.”
Tumango si Simon. “Alright. Then I have to go. May dadaanan pa kasi akong hiring.” Tumingin ito sa kaibigan at kay Assi, tumango upang magpaalam.
Nginitian naman ito ni Assi. Sa pag-alis ni Simon ay naiwan silang dalawa ni Alejandro. Walang nais na magsalita upang simulant ang bagong paksa. Wala naman kasing maisip si Assi na itanong pa sa lalaki, idagdag pang malapit na siyang matunaw sa paraan kung paano siya titigan ng lalaki. Huminga siya nang malalim, pinalakas ang loob. “Uhm, may kailangan ka pa ba ngayong araw? Kung wala na, puwede na ba akong umuwi? May pasok pa kasi ako maya-maya.”
Tumango ang lalaki. “Come with me.” Tumayo ito at lumabas ng restaurant.
Nagtataka man ay sumunod na lamang siya rito.
Tinungo nila ang sasakyan ng lalaki. Mayroon itong kinuha sa loob at humarap sa kaniya upang ibigay ang isang paper bag. “Here, take this.”
Nagdadalawang isip siyang tanggapin iyon. Pinakatitigan niya lamang iyon. “A-ano ho ‘yan?”
Alejandro sighed. “Take it, Miller,” maawtoridad na wika ng lalaki.
Napalunok naman siya ng laway at tinanggap iyon.
Hindi nagsalita ang lalaki hanggang sa pumasok ito sa loob ng sasakyan at byumahe paalis.
Napabuntong hininga si Assi, hindi niya na nagawa pa itong tanungin dahil kaagad itong umalis. Napailing na lamang siya at binuksan ang paper bag. “Hala,” bulalas niya nang makita ang laman nito. Ito ay ang damit pangbata na magkasabay nilang hinawakan kahapon. Pinamulahan tuloy siya ng pisngi. Anong iniisip ng lalaking iyon at binigyan siya nito? Hindi niya alam kung matutuwa ba siya o hindi, ngunit napangiti siya nang hindi inaasahan. Natutuwa kasi siya sa damit na ito, pero siguro mas matutuwa siya kung kasya sa kapatid niyang si Myra ang ibinigay nito. She chuckled and went back inside the restaurant to get her sling bag. Wala naman silang in-order kahit na inumin man lang sa pagkakataong iyon, nagtitipid siguro ang dalawang lalaki sa isip niya.
ㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ