BUMALIK si Alejandro sa opisina at lumapit sa nahihimbing na dalaga. Naupo siyang muli sa sofa sa gawing tiyan nito at muling pinagmasdan ang dalaga. Nasasanay na siyang pinanonood itong matulog gabi-gabi. Hindi niya na nga tiyak kung tama pa ba ang ginagawa. This is not him, of even the usual him. Pagkatapos ng mga nabigong relasyon noon ay matagal-tagal na rin simula nang may isang babae siyang pinakatitigan nang ganito. At nag-iisa si Assi na sa tuwing titignan niya ay natutuwa siya at gumagaan ang kaniyang pakiramdam. She’s different and had the beauty that cannot deny. He adored her even if she was asleep. Pinalis niya muna ang ngiti bago nagdesisyon gisingin ang dalaga. He gently shook her shoulder “Assi, wake up. Let's go home.” Umungol naman ito at marahang nagmulat ng mga mat