Billionaire 43

2081 Words

“YOU BROUGHT him lunch?” tanong ni Zion habang sila ay naglalakad. Lihim itong pinakikiramdaman siya habang nauuna ito sa paglalakad. “Oo, ipinagluto ko kasi siya,” tugon ni Assi habang pinagmamasdan ang kanilang dinaraanan. Ngayon lamang siya nakapasok sa ganitong lugar, napakaraming mga empleyado ang nakapormal na kasuotan. Mayroong kaniya-kaniyang cubicles ang mga ito at mga salamin na silid para sa ilang opisina ng mga taong may mataas na posisyon. Nagsimula niyang isipin kung ano ang pakiramdam na makapagtrabaho sa ganito kaganda at kapropesyonal na organisasyon. Paano kaya kung bumalik siya sa kolehiyo at mag-aral? Gagawin niya iyon habang nagnenegosyo. Two birds in one stone ika nga. Napangiti siya sa naisip. Sisimulan niya na iyong planuhin. “He’s so lucky to be your husband.”

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD