SINIMULAN nang mamili ni Assi nang susuotin niya sa pagpunta sa dalampasingan maya-maya. Mayroon siyang ilang binili sa mall bago sila magtungo sa beach, dinala niya ang apat na pares na ito at ngayon ay pinagpipilian. Nakalatag ang mga ito sa ibabaw ng kama at pinagmamasdan niya. “Ano kayang maganda?” She could not think of the best pair that will suit her well with her plumpy tummy. “What are you doing with those things?” Diretsong pumasok sa loob ng silid ang kaniyang asawa. Lumapit at yumakap sa kaniya mula sa likuran. Tinignan nito ang mga nasa ibabaw. “Iyan ang pinagpipilian mong suotin?” kunot noo nitong tanong. “Oo, bakit?” “Seriously?” Bumitaw ito sa pagkakayakap sa kaniya at lumapit sa kama. Kinuha ang isang tela. “This does not suit you, masiyadong balot na balot.” Itinapo