Billionaire 77

1145 Words

NANATILING magkalapat ang kanilang mga labi nang maramdaman ni Assi ang marahang pag-angat niya mula sa buhangin. Binuhat siya ng asawa at naglakad ito patungo kung saan, hindi niya na iyon napansin pa dahil mas inuuna niyang intindihin ang init ng kanilang mga katawan. Ikinawit niya ang mga braso sa balikat ng asawa at tinugunan ang mga halik nito. Namilog ang kaniyang mga mata nang maramdaman niya ang malamig na tubig ng dagat. Nagbitaw ang kanilang mga labi at mas lalo siyang nagkunyapit sa balikat ng asawa habang naglalakad ito palusong sa tubig. Huminto lamang ito nang umabot na sa kanilang dibdib ang tubig. Marahan siya nitong ibinaba. “Oh my God!” bulalas niya nang lumubog siya dahil bahagya iyong may kalaliman, hindi naman kasi sila magkasing tangkad ng asawa. Yumakap siyang muli

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD