MAKARAAN ang isang buwan ay naging tahimik ang pagsasama nina Alejandro at Assi. Tila wala nang bagay pa ang makahahadlang sa kanilang pagsasama. Simula rin nang makalabas si Ava sa hospital ay wala na silang narinig mula rito. She started living in a small house near Zion. Tinulungan ng lalaki si Ava na makapagsimula muli at lihim naman na tinutulungan din ni Assi ang babae nang hindi alam ng asawa at ng kahit sino pa man kahit na si Ava. Pasimple siyang tumutulong dito nang walang nakakaalam, tulad na lamang nang sinundan niya si Ava sa isang mall at nakita niyang may nais itong bilhin na kagamitan sa bahay. Binalik-balikan iyon ni Ava ngunit batid naman ni Assi na wala pa itong kakayahan bumili kaya naman binayaran niya na ito at nakisuyo sa isang sales lady na ipakuha iyon kay Ava. Hin