PAUNTI-UNTING naghilom ang sugat ni Assi sa pagdaan ng mga araw. Naging maayos din naman ang kalagayan niya sa loob ng mansion dahil nitong mga nakaraang araw ay napapadalas ang pag-alis ni Alejandro kasama si Simon. Wala naman siyang karapatang magtanong dito kaya naman hindi niya alam kung ano ang ginagawa ng mga ito. Siguro ay sa trabaho at sa mga negosyong mayroon si Alejandro. Sa pagdaan din ng mga araw ay nakakasundo niya na paunti-unti ang mga kasambahay sa loob ng bahay maliban sa dalawang matanda na sina Aling Hilda at Aling Valerie. Tila ang dalawang ito ay siyang pinakamatagal nang naninilbihan sa mansion, dahil umaakto na ang mga itong nagmamay-ari ng bahay, kung daan-daan siya at hindi pansinin ay dinaig pa ng mga ito si Alejandro sa kaniya. Hindi naman niya ugaling pumatol sa