KAMUNTIK NANG gumuhit sa braso ni Assi ang hawak na kutsilyo ng binatilyong nagmamadaling tumakbo dahil hinahabol ito ng dalawang security guards ng mall. Maigi na lamang at kaagad siyang hinatak ni Alejandro at binalot sa bisig nito nang napakahigpit. Napasinghap pa nga siya dahil sa pagkakagulat sa paghatak nito sa kaniya, tumama rin ang kaniyang noo sa matigas nitong dibdib. “Alejandro,” banggit niya sa pangalan ng lalaki at nakiramdam sa kaniyang paligid kung ano na ba ang nangyayari. Nakasubsub kasi siya sa dibdib nito at hindi pa rin siya nito binibitawan. Naririnig pa rin niya ang ingay sa paligid. “Are you okay?” Binitawan siya nito at hinawakan sa magkabilang balikat saka pinagmasdan nang mabuti. He scanned her arms and her face. Mabilis siyang tumango. “Ayos lang ako, hindi n