INABUTAN ng matinding ulan si Alejandro sa pag-uwi niya mula sa opisina. He was so upset today because of some employees that neglected to follow the correct instructions he gave them. Nagkaroon tuloy ng kaunting aberya, isa pa naman ito sa pinakaayaw niya. He wanted everything systematic. Lahat ng bagay na gusto ay dapat na nasusunod sa kaniyang plinano. Nakadagdag pa sa kaniyang inis ang matinding ulan. Pagkapasok niya sa loob ng sasakyan ay malalim na lamang siyang bumuntong hininga. Pinakalma niya ang sarili bago tuluyang byumahe pauwi. Kailangan niyang kontrolin ang inis ngayon, lalong-lalo na at kasama niya si Assi sa bahay at nagdadalang tao ito. Hindi niya nais mapagbuntungan ito ng inis, na siyang masama ang magiging dulot sa pagdadalawang tao nito. Palagi niyang iniisip ang mak