HABANG nasa ibang bansa sina Alejandro at Assi ay nakarating naman kay Ava ang kanilang pag-alis. Hindi ito makapaniwala na ganoon-ganoon lamang ay makalalabas ng bansa ang dalawa habang ang babae ay problemado at hindi makapaghintay na magkabalikang muli si Alejandro. Nakahinga na sana ito nang maluwag dahil nalaman na hindi sila kasal at purong kasinungalingan lamang ang sinabi ni Alejandro kaya maaring kasinungalingan din ang pagsasama at pag-iibigan ng dalawa. Ito ang pakay nito ngayon na malaman, subalit naggagalaiti nang biglang umalis ng bansa ang dalawa. Tinatakasan nga ba nila si Ava gaya ng iniisip nito? Hindi man mapakaling talaga si Ava patungkol kina Alejandro at Assi ay wala itong magawa. Hindi rin naman kasi ito makakuha ng impormasyon sa loob ng mansion kung nasaan sila n