NANGHIHINANG ipinahinto ni Assi ang sasakyan sa driver. Nawala na ang lakas ng kaniyang loob upang magtungo sa kumpanya at ibalik kay Alejandro ang naiwan nitong cell phone. Pagkatapos ng narinig mula kay Ava ay talagang gumuho ang kaniyang mundo. She was so devastated. Kung hindi siya nagkakamali sa narinig ay pinaimbistigahan ni Ava ang sinasabing kasal ni Alejandro at napagtanto nito na kasinungalingan ang lahat. Lumakas pa naman ang kaniyang loob upang magpatuloy sa pagpapanggap at kasinungalingan nang ipakilala siya ng lalaki bilang asawa sa dating nobya, subalit ngayong batid na ni Ava ang katotohanan ay binalot siya ng kahihiyan at pagkawasak. Wala na siyang pinaghahawakan pang kung ano na maaring ilaban kay Ava. Wala na siyang mukhang maihaharap dito. Batid na nitong kasinungalinga