TNM-Chapter 6*

1051 Words
"Ayeeiii... nandyan na si Sir Xander! Dumating si Sir Xander!" bulalas ni Lea na napatakip pa ng bibig para mapigilan ang mapatili dahil sa sobrang kilig. Nangunot na naman ang noo ni Cielo. Hindi niya maintindihan kung bakit ganun na lang ang ikinikilos ng kaibigan. Oo tinanggap na niyang kaibigan si Lea kahit maraming mga bagay itong ginagawa na hindi niya gusto. Magkaibang-magkaiba kasi sila ng ugali nito. Kung siya ay tahimik lang, si Lea naman ay saksakan ng ingay. Nagkislapan ang mga ilaw mula sa mga camera ng cellphone, buhat sa mga tao na naroon. Ang mga bisita na galing sa mayayaman at kilalang pamilya ay hindi naman natinag sa pagdating ni Xander, tanging mga empleyado na nagtatrabaho para sa okasyong iyon ang excited at masayang-masaya sa presensiya ng bagong dating na pangalawang anak ng mag-asawang Lorenzo. Si Xander Lorenzo ay sikat at tinitingalang artista. Hindi pamilyar kay Cielo ang binata dahil hindi naman siya mahilig manuod ng tv, wala rin siyang alam sa social media dahil bukod sa pagbabasa ng horror stories ay wala na siyang iba pang libangan. Kumaway si Xander sa mga taong tumatawag sa kaniyang pangalan. Ang lahat ay natutuwa sa pagdating niya maliban kay Pierce. Agad siyang lumapit sa kapatid para ito ay batiin. "Congrats, Kuya, sa wakas, ikakasal ka na," anito na yumakap pa kay Pierce. Ngumiti naman si Pierce at gumanti ng yakap kay Xander, ngunit ang hindi alam ng lahat ay nagkukunwari lamang itong masaya, dahil sa totoo lang ay inis na inis siya sa nakababatang kapatid. Itinatago lang niya ang tunay na nararamdaman sa mga tao para hindi maging malaking issue. "What are you doing here? I told you not to come, sinisira mo lang ang party ko!" inis na sabi ni Pierce, ang tono ng boses lang naman niya ang inis ngunit, taliwas ang pinapakita ng kaniyang mukha na para bang nakaplastar na ang ngiti. "Oh come on! What are you talking about? How could I forget such an important day for you, my dear brother? Didn’t you see that, even with my busy schedule, I still made time to come here and celebrate your engagement with you?" "Tsk! As if that you're sincere, you're just after publicity. Gusto mo lang maging trending na naman sa social media. You and your PR team! This is supposed to be a private event for family and friends only, but you brought media." Palihim na nagtiim bagang si Pierce at pagkatapos ay muling ngumiti, ngunit masama naman ang ipinukol na tingin sa kapatid. "Hey, bro relax. Hindi ko sila isinama dito to make news, it's just happened na katatapos lang ng photo shoot ko. They work so hard. They're tired and hungry, I invited them here just to eat, that's all." Napalakas ang tawa ni Pierce dahil sa sinabing iyon ng kapatid. "Tsh! Ganyan ka na ba talaga kahirap at wala kang budget para sa pagkain ng team mo? Don't fool me. I know you. Kilalang-kilala kita." Magsasalita pa sana si Xander nang biglang sumulpot sa harapan nila si Georgia. "Oh, Xander! It's a surprise that you're here!" Agad na yumakap ang dalaga sa kapatid ng kaniyang nobyo. "Of course, I can't say no to your invitation," masayang wika ni Xander. Napapailing na lang na tumalikod si Pierce at hinayaan ang dalawa na mag-usap. Samantalang, sa pinakasulok na lamesa halos sa dulo na ng garden ay mga matang nakamasid sa mga ito. Nakangisi lang siya habang nakatingin sa mga kapatid buhat sa malayo. Siya si Hunter, ang bunso sa magkakapatid na Lagdameo. Isang sikat na professional basketball player. Nang may mapadaan na naka-uniform na may dalang tray ng baso ng mga alak ay kanya itong tinawag at sinenyasan na lumapit. Agad naman itong tumalima. "Ah, Sir, drinks po?" alanganing tanong ni Cielo. Sinadya niyang pumunta sa pinakasulok na lugar ng party para sana ipahinga ang kaniyang mga paa na kanina pa namimintig sa kalalakad. "Yes! Give that all to me," utos ni Xander. "Po?" tarantang wika ni Cielo. Tatlong basong may lamang alak ang laman ng tray at mayroon pang isang bote na konti pa lang ang bawas. "I told you, ibigay mo na sa akin ang lahat nang 'yan. Siguro naman kung iinumin ko ang lahat nang 'yan ay tapos na ang trabaho mo at pwede ka nang magpahinga. You look so tired." Ewan ba ni Cielo, bigla siyang nakaramdam ng hiya nang titigan siya ng gwapong lalaking kaniyang kaharap. "Pasensiya na Sir, kaninang umaga pa po kasi kami nagtatrabaho." Binawi niya ang tingin sa lalaki at napayuko na lamang siya. Naiilang siya sa mga titig nito. Tiningnan naman ni Xander ang oras sa suot niyang mamahaling relo. Alas onse na nang gabi ang nakasaad doon. Habang nagmamasid sa paligid ay kanina pa niya natatanaw si Cielo, na walang tigil sa kakaikot para mag alok ng alak sa mga bisita. Naagaw agad ng atensiyon niya ang maganda, maamo at inosenteng mukha ng dalaga. "Sit down!" Itinuro niya ang upuan sa kaniyang harapan. Nagulat naman si Cielo, hindi niya inaasahan iyon. "You seems so tired at alam kong masakit na rin ang mga paa mo. Maupo ka muna dyan para makapagpahinga." Hindi natinag sa pagkakatayo si Cielo. Hindi niya malaman kung ano ang dapat na gawin. Dapat bang sundin niya ang sinabi ng lalaking ito o umalis na lang siya at bumalik sa trabaho? "Listen! If you're worried na pagagalitan ka nila, don't worry, I got you. Just sit down and relax, no big deal." Alanganin man ay napasunod na lamang ang dalaga. Hindi niya maipaliwanag, para bang may hipnotismo ang boses ng lalaking ito na para bang wala kang magagawa kung hindi ang sumunod sa mga utos niya. Hinatak niya ang upuan sa tapat nito para makaupo. Hindi siya komportable na kaharap ang estrangherong lalaki, ngunit hindi siya nagpahalata. Ibinaling niya ang mga mata sa paligid, iniwasan niyang mapatingin ulit siya rito. Hindi niya ito kilala, malamang ay kaibigan ito ng isa sa sa mga anak ng kaniyang amo. Pinagbigyan lang niya ang alok nito na maupo siya dahil mapilit. Magbibilang lang siya ng ilang minuto at magpapaalam rin para tumayo. Mahirap nang makita siya ni Madam Sylvia, siguradong hindi lang pingot ang aabutin niya. Ikaw ba namang tagapag silbi ay umupo sa isang table kasama ang guest ay talaga namang mali.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD