TNM- Chapter 5*

1325 Words
Dahil sa dilim ay hindi maaninag ni Cielo ang lalaking sumalo sa kaniya, ito rin ang lalaking nakabangga niya. Ang tanging nagbibigay ng konting liwanag sa lugar na kinaroonan nila ay ang ilaw sa poste sa may kalayuan. Ngunit hindi sapat ang liwanag na ibinibigay niyon para masilayan niya nang malinaw ang mukha ng lalaking kaharap niya. "F*ck! Watch your step! Be careful!" sabi nito na may galit sa tono ng boses. Walang pag-iingat na itinayo siya nito ng tuwid at ng makasiguro na hindi na siya muli pang tutumba ay mabilis siya nitong binitawan na para bang diring-diri sa kaniya. "So, sorry po, Sir!" aniya. Hindi naman siya pinansin nito at nilagpasan lang. Pumihit siya para sundan ng tingin ang papalayong lalaki. Nang umikot ang ilaw ng spotlight mula sa bulwagan ay tinamaan nito ang lalaki ngunit hindi pa rin niya nakita ang mukha nito dahil nakatalikod na ito at naglalakad palayo sa kaniya. Ang tanging tumatak lamang kay Cielo ay ang malapad nitong balikat at mala-modelong tindig. May katangkaran ang lalaki. Kahit hindi humarap ay nakasisigurado siyang gwapo ito. Nakata likod pa lang ay gwapo na, mas higit pa siguro kapag ito ay humarap na. Kaya lang dahil wala naman siyang pakialam ay nagkibit balikat na lamang siya, nanatili siyang nakatigil at tila ba nakatingin sa kawalan. Sa isip niya ay isa lang ito sa mga importanteng bisita ng kaniyang mga amo. Ngunit, ang mabango nitong amoy ay naiwan at para bang nakakapit na sa kaniyang ilong. "Cielo!" "Huh!" Awtomatiko siyang napalingon sa tumawag sa kaniya. "Le-Lea!" gulat na sambit niya sa pangalan nito. "Ano'ng ginagawa mo rito at saka sinong tinatanaw mo d'yan?" curious na tanong ni Lea, naabutan kasi niya si Cielo na para bang may pinagmamasdan sa kalayuan. "Wa-wala!" matipid na sagot ng dalaga, maliit na bagay lang naman iyon, hindi importante kaya hindi na siya nag aksaya pa na ikuwento kay Lea. "Huh! Halika ka na nga, kanina ka pa hinahanap ni Madam Sylvia. Naku! Mapapagalitan ka na naman nun." "Ha? Okay sige, pumunta na tayo sa garden." Habang naglalakad sila ay narinig nilang may nagsalita nang malakas, galing iyon sa mikropono. Ang emcee iyon, kaya napatigil sila. "Good evening, ladies and gentlemen!" "It is my great pleasure to welcome each and every one of you to this very special and memorable evening. Thank you for taking the time to join us as we celebrate love, commitment, and the beautiful journey ahead for our wonderful couple." "Tonight is not just an ordinary gathering—it is a celebration of two hearts coming together, surrounded by the people who matter most. Your presence here truly makes this occasion even more meaningful." "At this moment, we would like to acknowledge the arrival of some very important individuals who have played a significant role in the lives of our couple." "Let us begin by welcoming the parents of the soon to be bride and groom, whose love and guidance have shaped them into the amazing individuals they are today. May we give them a warm round of applause." Lumabas si Felicia na nakakapit sa braso ng asawang si Bernardo, maganda ang ngiti ng mga ito, halatang boto sila sa mapapangasawa ng kanilang anak. Lumabas din ang mga magulang ni Georgia, kilala ang mga ito bilang magagaling na abogado. Si Georgia ay iniidolo ang kaniyang mga magulang, kaya naman dalawang taon lang ang nakalipas simula ng ito ay maging ganap na abogado ay namamayagpag na agad ang pangalan nito, lahat kasi ng hinawakan nitong kaso ay kaniyang naipanalo. Ang mga magulang ng dalawa ay halos magpatalbugan sa ka-elegantehan. Masaya sila para sa mga anak nila. "We would also like to recognize the family members, relatives, and close friends who have traveled near and far to be here tonight—your presence is deeply appreciated." Masasabing matagumpay ang okasyon na iyon dahil dumalo ang halos lahat ng bisita na inaasahan ng magkasintahan. "And now, ladies and gentlemen, the moment we have all been waiting for…" "Please join me in giving a warm and heartfelt welcome to the stars of tonight’s celebration—the lovely couple, soon-to-be united in marriage! Let us greet them with a big round of applause as they make their grand entrance, Mr. Pierce Lagdameo and Attorney Georgia Fereira!" Umugong ang malakas na palakpakan. Agad na nataranta si Lea. "Halika na, Cielo, bilis!" Nagulat ang dalaga nang bigla siyang hatakin nito. "Teka naman, sandali lang! Bakit ka ba nagmamadali?" inis na tanong niya. "Ano ka ba? Siyempre kailangan nating makita ang nangyayari sa party. Huwag ka nang tanong ng tanong, bilisan mo na lang!" Wala nang nagawa si Cielo kung hindi ang sumunod sa agos, hindi man siya interesado sa mga nagaganap ay importanteng makarating pa rin siya sa garden dahil baka mapagalitan na naman siya ng kanilang mayordoma at sabihing tumatakas siya sa trabaho. Saktong pagdating nila ay siya namang paglabas ng magkasintahang Pierce at Georgia sa backstage. Isang masigabong palakpakan na naman ang umalingawngaw sa paligid. Kahit malayo ay kitang-kita naman ni Cielo ang mukha ng dalawa. Napakaganda ng babae, lalo na sa suot nitong puting evening gown, kumikinang ang makinis nitong kutis sa gitna ng gabi. Nang magawi ang tingin niya sa lalaki na kasama nito ay bahagya siyang natigilan, pamilyar ang tindig nito. Kung hindi siya nagkakamali ito ang masungit na lalaki na nakabangga niya kanina lang. Ang height–ang bulto ng katawan, siya nga iyon. Napakurap-kurap siya habang pinagmamasdan ito, maganda ang pagkakangiti ng lalaki, mukhang masaya ito sa mga nangyayari ngayong gabi. Tama siya, gwapo nga ang lalaking iyon. Malakas ang dating, siya ang tipo ng lalaki na hindi maaaring hindi lingunin ng mga kababaihan nang paulit-ulit kapag nakasalubong nila sa daan. Si Pierce Lagdameo ay ang panganay na anak nila Felicia at Bernardo Lagdameo. Sa edad na trenta ay isa ito sa mga tinitingalang business tycoon sa bansa. Siya ang namamahala sa lahat ng negosyo ng mga Lagdameo. Ang sikat na cosmetic company na nagde-develop ng mga makabagong produkto sa pagpapaganda. Hindi na mabilang ang mga branches nito sa Pilipinas at sa iba't-ibang bansa. "Uy! Cielo, ano na ang nangyari sa'yo?" Nagulat siya nang bigla na lang may yumugyog ng malakas sa balikat niya. Nagtatakang nilingon niya si Lea. "Bakit?" kunot noong tanong niya. "Eh, kasi po senyorita, natulala ka na diyan." "Aminin mo, namangha ka sa kagwapuhan ni Sir Pierce, ano?" may panunudyong wika ni Lea. "Sabi ko naman sa'yo, gwapo talaga si Sir, siya na yata ang pinakagwapong lalaki na nakita ko, para siyang prinsipe 'di ba?" Siniko-siko pa siya ni Lea, kaya lalong nangunot ang noo niya. Hindi naman siya tumututol sa sinabi nito, totoong gwapo naman talaga ang kanilang amo, kaya lang, hindi naman siya natulala dahil sa kagwapuhan nito, masyado lang exaggerated itong si Lea. "Magsasalita sana siya para pabulaanan ang sinabi nito, kaya lang ay sabay silang napangiwi ni Lea at impit na napatili pa ito ng may bigla na lang pumingot sa kanilang tenga. "Kayong dalawang pasaway kayo, natataranta na nga ang mga kasama ninyo sa pagsisilbi sa mga bisita tapos kayo nakatunganga lang diyan at nanunuod ng palabas." "Ano kayo guest?!" "Bisita ba kayo ha!" Pinandilatan sila ni Madam Sylvia. "Magsibalik na nga kayo sa mga trabaho ninyo, kung ayaw niyong parusahan ko kayo at kaltasan ko ang mga sahod ninyo!" singhal nang galit na galit na mayordoma. "O-opo, magtatrabaho na po!" tarantang sabi ni Lea, samantalang si Cielo ay kalmado lang. Kung hindi lang makakasira sa trabaho niya ay kanina pa niya pinilipit ang kamay ni Madam Sylvia. Hindi biro ang sakit ng ginawa nitong pagpingot sa kanila, ngunit kinalma lamang niya ang sarili. Matapos pakawalan ng mayordoma ang mga tenga nila ay agad na silang bumalik sa kanilang trabaho. Ang hindi nila alam ay may isang taong tuwang-tuwa sa nangyari sa kanila. Si Carol 'yon na panay ang sumbong ng kung ano-ano at sulsol kay Sylvia para uminit ang ulo nito sa dalawa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD