TNM- Chapter 4*

1089 Words
Napasabak sa trabaho si Cielo, hindi niya akalain na masyadong malaki pala ang mansiyon ng mga Lagdameo at kahit marami silang naglilinis ay hindi pa rin kakayanin. Maaga pa lang ay dumating na ang magse-set up ng mga decoration, sound system at catering. "Ano ba ang okasyon na magaganap ngayong gabi?" Sa tagal na nilang naglilinis ay ngayon lang naisipan na magtanong ni Cielo kay Lea. "Engagement party," sagot nito. "Ha! Bakit sino ang ikakasal?" curious na tanong ng dalaga. "Ang panganay na anak nila Senyor Bernardo at Senyora Felicia." "Ah ganun ba." "Oo ganun nga, bongga ang party. Kung nakita mo lang kung paano nag-propose si Sir Pierce kay Ma'am Georgia ay siguradong kikiligin ka. Napakabongga talaga!" eksaheradong sabi nito na sinamahan pa ng exaggerated na reaction. Napakunot ang noo ni Cielo. Hindi naman niya alam kung paano ang kiligin kaya hindi siya maka-relate sa sinasabi ni Lea. "Bakit nga pala parang si Senyora Felicia lang ang nandito sa bahay, nasaan ang asawa at mga anak niya? Bakit hindi ko sila nakikita rito sa mansiyon?" "Nasa business trip si Senyor pero uuwi rin 'yon mamaya. Ang tatlong magkakapatid naman ay may kani-kaniyang mga pinagkakaabalahan. Ang totoo ay hindi na sila rito nakatira. May sari-sarili silang condo, umuuwi lang sila rito sa mansiyon kapag week end o kaya ay may okasyon, kagaya ngayong gabi. Minsan nga kapag busy ay hindi na talaga nakakauwi ang mga iyon kaya bihira lang sa patak ng ulan na makikita mo sila. Kagaya ng araw na ito, kaya maswerte ka." Nangunot ang noo ni Cielo. "Bakit naman ako naging maswerte?" nagtatakang tanong niya. "Dahil makikita mo sila ng personal." Masaya ang mukha ni Lea, mukhang siya ang excited na makita ang mga binatang amo. "Hoy kayong dalawa! Cielo at Lea, panay ang daldalan ninyo, pumunta kayo sa mga nagse-set up ng decoration baka kailangan nila ng tulong. Ang trabaho ninyo ang atupagin ninyo hindi ang pagdadaldalan." Hindi nakaligtas sa mga mata ng mayordomang si Sylvia ang pag uusap na iyon nila Cielo at Lea kaya na-special mention tuloy sila. Mabilis na tumayo ang dalawa at agad na lumabas ng mansiyon para tunguhin ang malawak na hardin kung saan kasalukuyang inaayusan, dahil doon gaganapin ang party. "Yan, buti nga! Puro kasi tsismisan ang inaatupag," pasaring ni Carol nang madaanan nila ito sa pintuan, kasalukuyang pinupunasan nito ang malaking vase. "Hmp! Inggit ka lang!" inis na sabi ni Lea. "Hah! Ako maiinggit, bakit naman ako mainggit sa inyo?" nang uuyam na sabi nito. "Dahil..." Walang maisip na sagot si Lea. "Dahil ano?" nanghahamon na tanong ni Carol. "Dahil maganda kami!" pasinghal na sagot ni Lea. "Halika na nga, Cielo, pumunta na tayo sa garden, hindi kaiga-igaya ang hangin dito." "Tsh! Akala mo talaga totoong nagpupunas, nagpapanggap lang naman para hindi mautusan." Sinadya ni Lea na lakasan ang boses para marinig ni Carol. Napahalukipkip naman ito at masamang tumingin sa dalawa. Aminin man niya o hindi ay tama ang sinabi ni Lea. Ayaw niyang mautusan ng mabibigat na gawain kaya ginawa niyang pang-front ang paglilinis ng mga vase at figurine. Hinayaan lang ni Cielo na magpasaringan ang dalawa, wala naman siyang pakialam sa pag-aaway ng mga ito. Nang makarating sa garden ay agad siyang nagtanong sa mga tao roon kung ano ang maitutulong niya. Lumayo muna siya kay Lea dahil sa kadaldalan nito pati siya ay napapahamak. _ Sumapit ang gabi, pagod man ay patuloy pa rin sa pagtatrabaho ang mga kasambahay sa mansiyon. Kahit pa sikat na catering services ang may hawak sa okasyon na iyon at maraming tauhan ay kailangan pa rin nilang tumulong para mag serve sa mga bisita. Ngayon lang naka-expirience ng party si Cielo, kadalasan kapag may ganitong okasyon sa bahay nila noong mga panahong nakakaluwag-luwag pa sila ay hindi siya lumalabas ng kaniyang silid para makisalamuha sa mga bisita. Sa buong buhay niya ay ngayon lang siya nakipag-inter act sa mga tao. Kahit sa school noong nag-aaral pa siya ay lagi lang siyang nasa sulok at wala siyang kaibigan. Alas siyete nang gabi ng magsimula ang party. "Hoy, Cielo! Hindi kita inasign sa kusina kaya huwag kang magtago diyan. Lumabas ka para mag-serve sa mga bisita." Sa pangalawang pagkakataon ay nasita na naman siya ni Madam Sylvia. Komportable na nga siyang tumutulong kay Leo sa paghihiwa ng mga gulay, kung bakit pumasok-pasok pa sa kusina ang kanilang mayordoma at siya na naman ang nakita. Ang hindi niya alam ay nagsumbong si Carol kay Madam Sylvia. Nagngingit-ngit kasi ito sa selos na nakikitang nagiging malapit sa isa't-isa sila Cielo at Leo. "Iwanan mo 'yan, hayaan mong si Leo ang gumawa ng mga 'yan dahil trabaho niya 'yan. Pumunta ka sa labas at tulungan mo ang mga kasamahan mo ron, parami na nang parami ang mga bisitang dumarating." "Pasensiya ka na kailangan ko nang umalis," paalam niya kay Leo. "Ano pa ba'ng magagawa ko, nag-utos na ang dragon," natatawang sabi ng binata, hininaan lang nito ang boses ngunit sapat na iyon para marinig ni Cielo. Hindi naman niya nagawang tumawa sa pagbibiro nito. Dalawa lang ang kayang gawin ng kaniyang mukha, kung hindi ang kumunot ang noo ay tumingin ng walang ekspresyon. Ewan ba niya, hindi na niya maalala kung kailan siya huling ngumiti at tumawa. Bago lumabas ay nagtungo muna siya sa lababo para magsabon at maghugas ng kamay. Hindi na siya nag-abalang pumasok ng banyo para mag ayos at tingnan ang sarili sa salamin, siya ang tipo ng babae na walang ka-conscious-conscious sa katawan. Wala siyang pakialam sa itsura niya at lalong wala siyang pakialam sa sinasabi ng iba. Lumabas siya ng kusina at dumaan sa likod bahay, ito kasi ang mas convinient na daan para hindi maging kapansin-pansin sa mga bisita. Dinig niya ang mga tawanan at halakhakan sa garden, ang mga tao ay abala sa pakikipag usap. Sa tingin niya ay wala pa ang magkasintahan. Hindi pa nagsisimula ang mismong announcement para sa engagement. Kung saan madilim ay doon siya dumaan, ayaw niyang makuha ang atensiyon ng mga taong naroroon. Ang balak niya ay lapitan si Lea na noon ay nakita niyang may hawak na tray na may mga baso ng alak at umiikot para ialok ang hawak na inumin sa mga bisita. Dahil ang tingin niya ay na kay Lea, hindi niya napansin ang lalaking paparating, nagkasalubungan sila at nagkabanggaan, sa tigas ng katawan nito ay para bang pader ang binangga niya kaya naman na out of balance siya. Tanggap na niyang babagsak siya sa lupa ngunit hindi niya inaasahan na may mga kamay na sasalo sa kaniya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD