TNM-Chapter 3*

1091 Words
Nagising ako sa ingay at malakas na yugyog sa aking balikat. "Cielo, gising!" Nang imulat ko ang aking mga mata ay nabungaran ko si Lea. "Bakit?" tanong ko habang kinukusot ang aking mga mata. "Anong bakit? Bumangon ka na alas singko na nang umaga. May malaking handaan na magaganap ngayon dito sa mansiyon, magiging abala tayong lahat sa paglilinis." "O, ito ang uniform mo, suutin mo 'yan, kailangan bago mag alas sais ay nasa mansiyon ka na. Papipilahin tayo ni Madam Sylvia para sa attendance, bawal ang ma-late. Bilisan mo na, kung ayaw mong maubusan ng almusal." Hindi na ako nakapagsalita pa dahil iniwan na ako ni Lea. Lumabas siya ng silid pati na ang iba pang maiingay na kasambahay. Napabuntong hininga ako nang malalim. Malaking adjustment ang gagawin ko ngayon. Ang gumising lang ng maaga ay napakahirap na para sa akin, paano pa kaya ang mga gawaing bahay? Kahit napipilitan man ay bumangon na rin ako. Naligo muna ako bago isinuot ang aking maids uniform, mabuti na lang at itim ang kulay nito. Bukod kasi sa itim ay wala na akong ibang kulay na sinusuot dahil doon ako komportable. Ito ang unang araw ko sa trabaho at sasabak na agad ako sa mabigat na gawain, walang nabanggit si Lea sa akin kahapon na may handaan palang magaganap dito sa mansiyon. 5:59 am nang dumating ako sa bulwagan. Nakapila na ang lahat. Ako at ang mga kasamahan kong babae ay pare-pareho ng suot na uniform, ang mga lalaki ay ganun din. Hindi ko na ginawang bilangin, pero sa tantiya ko ay nasa mahigit bente kaming nagtatrabaho sa mansiyon. Tumaas ang kilay ni Madam Sylvia nang makita ako, sinipat ang suot niyang relo. Alam ko naman na late na ako ngunit walang ekspresyon na tiningnan ko lang ang mayordoma. Ako ang pinakahuling dumating kaya expected ko nang pagagalitan ako ni Madam Sylvia. Hindi naman siya nagsalita ngunit bakas sa mukha niya ang matinding pagkadismaya. Mula sa pila ay kita ko agad si Lea, sinenyasan ako nito kaya naman mabilis akong lumakad at nilapitan siya. "Carol, usog!" inutusan ni Lea ang katabi na umusog para makasingit ako sa gitna nila. "Hmp! Late na nga gusto pa sa unahan, dapat sa huli 'yan pumila," inis na sabi nito, halatang pinariringgan ako, at ramdam ko naman na hindi niya ako gusto. Wala akong pakialam kung mainis man siya sa akin basta tumabi pa rin ako kay Lea. "Maraming mga kilalang tao ang darating ngayon kaya dapat pagbutihan ninyo ang trabaho. Alam niyo naman si Senyora Felicia, gusto niya na malinis at nasa ayos ang lahat, huwag niyong paiinitin ang ulo ni Senyora, maliwanag ba?" "Opo!" sagot ng lahat. "Okay, bago tayo maghihiwa-hiwalay, gusto ko munang ipakilala sa inyo si Cielo, ang bago ninyong makakasama sa trabaho. Naka-assign siya sa paglilinis ng mansiyon." Iminuwestra ni Madam Sylvia na lumapit ako kaya siya ko namang ginawa. "Cielo, bumati ka sa mga kasama mo," utos ni Madam sa akin. "Hi! Kamusta po kayong lahat? Ako si Cielo, yun lang," matipid na sabi ko. Imbes na mainis ay natawa pa sila sa akin. Lahat ay napangiti, maliban kay Carol na nakabusangot ang mukha. Bukod sa amin ni Lea ay si Carol lang din ang pinakabata sa lahat ng babaeng kasambahay. Halos magkaedaran lang siguro kaming tatlo. May itsura si Carol at nasa tamang hulma naman ang katawan niya. "Okay, sige, makakaalis na kayo." Pagkatapos magsalita ni Madam Sylvia ay nagsipagpulasan na ang lahat. Nabigla ako nang hatakin ako ni Lea. "Bilis... bilisan mo!" may pagmamadaling sabi nito, pati ang mga lakad niya ay may pagmamadali kaya naman napasunod na lang ako sa kaniya. "Huh! Teka lang, bakit ba ang bilis mong maglakad?" kunot noong tanong ko. "Kailangan nating mauna." "Mauna saan?" naguguluhang tanong ko. Tiningnan muna ako ni Lea bago nagsalita. "Kailangan nating mauna sa pila ng pagkain para hindi tayo maubusan, bawal ang babagal-bagal dito kung hindi gutom ang aabutin mo. Lalo na sa mga lalaking 'y an, ang lalakas kumain ng mga 'yan." Sabay turo sa mga kasamahan naming lalaki na nagtutulakan at nag uunahan pa na makapasok sa loob ng kusina. Sa dirty kitchen kami nagtungo, may mahabang lamesa roon na kasya ang dalawampung katao. Pumila muna kami para sa pagkain, ang kusinerong si Mang Marcial at ang assistant nitong si Leo ang nagsasandok ng pagkain. Para kaming nasa catering, tantiyado kung ilang takal lang na pagkain ang ilalagay sa dala naming tray. "Dahil bago ka meron kang brownies." Nakangiting sabi ni Leo, lumabas ang mga dimples nito sa magkabilang pisngi. Kahit anong ganda ng ngiti niya ay hindi ko naman sinuklian ng ngiti iyon. "Salamat," walang emosyon na sabi ko habang nakatingin sa tinapay na hawak ko na nakabalot sa transparent na plastic. "Tsk! Bakit nung bago ako rito hindi mo ako binigyan ng ganiyan ha, Leo?" Napalingon ako sa aking likuran at nakita ko si Carol na nakabusangot na naman ang mukha. Napakamot ng ulo si Leo, hindi naman nagsalita pero alanganing ngumiti. Tinapunan ako nito ng nahihiyang tingin. "Halika na nga, hayaan mo ang dalawang 'yan." Hinatak na naman ako ni Lea at umupo kami sa bakanteng upuan na naroon, ipinatong namin ang mga dala naming tray sa lamesa. "Payo ko lang sa'yo, Cielo, huwag kang makikipaglapit diyan kay Leo kung ayaw mong pag-initan ka ni Carol." "Bakit naman ako pag iinitan ni Carol?" takang tanong ko. "May crush 'yon kay Leo. Ay hindi—mali pala. Patay na patay 'yang si Carol kay Leo." "Ah ganun ba? Okay," kibit balikat na wika ko. "Anong okay? Seryosohin mo ang sinabi ko, hindi mo kilala 'yang si Carol, mag-iingat ka sa kaniya." Binalewala ko lang ang mga sinabi ni Lea, sinimulan ko nang kumain. In fairness masasarap ang pagkakaluto nila ng mga pagkain. Matagal na rin akong hindi nakakakain ng masarap na pagkain. Simula kasi ng ma-bankrupt kami at umalis na ang mga kasambahay namin ay si Mama na ang nagluluto ng mga pagkain namin, kung hindi walang lasa ay sobra naman sa alat. Tahimik lang ako habang ngumunguya kahit si Lea ay panay ang daldal, makailang beses na nga siyang nabulunan ay hindi pa rin nadadala, panay pa rin ang salita at kwento ng kung ano-ano. Habang kinakain ko ang brownies na bigay ni Leo sa akin ay nakikita ko sa gilid ng aking mga mata ang masasamang tingin ni Carol, hindi naman ako nabahala at hinayaan ko lang siya. Wala akong kinakatakutan at hindi ako dapat matakot sa katulad niya, pare-pareho lang naman ang estado namin sa mansiyon kaya walang dapat ikatakot.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD