TNM-Chapter 7*

1108 Words
Umiikot na naman ang mga mata ni Carol. Hindi siya sanay na nawawalay sa paningin niya si Cielo, dahil para sa kaniya kapag ganu'n na ang eksena ay siguradong tumakas na naman ito sa trabaho para magliwaliw. Kailangang ipaalam niya ito kay Madam Sylvia, para mabigyan ng leksiyon. Hindi siya papayag na siya ay nagtatrabaho at ito ay parelax-relax lang. Nang makita niya ang paparating na mayordoma ay agad niya itong sinalubong. "Madam, si Cielo, nawawala na naman. Wala kahit saan, kanina ko pa siya hinahanap," sumbong nito. Nagdilim ang mukha ng moyordoma. Nameywang ito at inikot ang mga mata sa paligid para hanapin si Cielo. "Hmm... tiningnan mo na ba sa kusina? Baka naman bumalik ulit doon at tumulong nanaman kay Leo sa paggayat ng mga gulay." Sunod-sunod ang naging pag iling ni Carol. "Wala, Madam. Nanggaling na 'ko do'n kanina." "Tsk! Ang babaeng 'yon talaga, ke bago-bago sakit na ng ulo." Kunsumido ang mukha ni Sylvia. "Hanapin mo, huwag kang titigil hangga't hindi mo nakikita. At kapag nakita mo sabihin mo agad sa akin. Malilintikan talaga sa akin ang babaeng 'yon!" Lihim na napangiti si Carol. Iyon nga ang gusto niya, ang magalit nang husto si Madam Sylvia kay Cielo, para mabilis na lang na mapatalsik ito sa mansiyon. Alam niyang malakas ang mayordoma sa kanilang amo, kapag nag-report ito at sinabi ang mga pinaggagawa ni Cielo ay siguradong masi-sisante na ito. Inaamin niyang inis siya kay Cielo, nai-insecure siya sa kagandahan nito, lalo pa at sa unang araw palang ay nabighani na nito si Leo. Si Leo, ang assistant cook sa mansiyon na matagal na niyang gusto. Noon pa man ay hindi ito interesado sa kaniya kahit ano pa'ng pagpapapansin ang gawin niya. Higit na lalo ngayong dumating si Cielo, mas lalong nawalan na siya ng pag-asa na mapansin pa ng binatang matagal na niyang pinapangarap. _ "Come on, drink this, it will help you to relax a little bit." Nagulat na lamang si Cielo nang itulak ng hindi kilalalng lalaki ang isang baso ng alak sa harapan niya. Nakailang inom na ito, ngunit tingin naman niya ay hindi pa lasing ang estrangherong lalaki. Hindi na niya mabilang kung ilang minuto na siyang nakaupo sa tabi nito. "Naku, Sir, pasensiya na po, hindi po pwede, mapapagalitan po ako. Bawal po sa amin ang uminom ng alak sa oras ng trabaho. Ito nga lang pong nakaupo ako katabi ninyo ay maling-mali na." "Maiwan ko na po kayo, kailangan ko nang bumalik sa trabaho!" tarantang tumayo siya ngunit napabalik ulit sa upuan ng maagap na nahawakan ng binata ang kamay niya at hinatak paupo. "Stay still. Don't stand up and leave until I say so." "Drink this! I insist!" Nataranta ang dalaga. Tila makapangyarihan ang utos na iyon na hindi niya maaaring tanggihan. Bumaling siya sa binata, seryoso ang mga tingin nito sa kaniya. Nag-aalangan siya. Hirap siyang hawakan ang baso kaya lang ang mga mata ng kaharap ay nakabantay sa kaniya, nakatutok at naghihintay na inumin niya ang laman niyon. Nanginginig ang mga kamay niyang hinawakan ang baso. Binuhat ito at dinala sa kaniyang bibig. Muntik na siyang masuka sa amoy ng matapang na alak. Ito ang unang pagkakataon na titikim siya ng nakakalasing na inumin. Hindi niya alam kung ano ang magiging epekto nito sa kaniya at natatakot siyang subukan. Hindi niya kilala ang kaharap. Hindi niya alam kung mabuti o masama ba itong tao? "Si-sir! Baka pwedeng 'wag na lang," alanganing wika niya, hawak na niya ang baso at handa na sanang tunggain ito ngunit nagbago ang isip niya. "Just one shot! It will not harm you, trust me," may paninigurong sabi. Matamang nakatingin ang binata sa dalaga. Huminga muna nang malalim si Cielo. "Bahala na!' sabi ng utak niya. Mabilis niyang kinuha ang baso at pikit matang tinungga ang laman niyon. Nanunuot sa kaniyang lalamunan ang mapait na lasa nito. Halos puno ang baso na may kasamang yelo. Hindi niya ito naubos sa isang tunggaan lang. Masuka-suka siya ngunit, pinilit niya ang sarili na saidin ang laman niyon. Nang matapos uminom ay biglang uminit ang pakiramdam niya. Pinunasan niya gamit ang likod ng palad ang basa niyang bibig. "See! I told you, the taste is not bad," nakangiting sabi ng lalaki. Napatango na lamang siya, kahit ang totoo ay hindi naman talaga masarap ang lasa niyon. Alanganin siyang ngumiti. Nagpalipas pa siya ng ilang segundo. "Sir, pwede na ba akong umalis? Babalik na 'ko sa trabaho ko," maya ay paalam niya. Nag-aalala siya na baka hinahanap na siya ng mga kasama niya. Tumango naman ang binata. Nagpasya siyang pagbigyan na ang gusto nito. Nang akmang tatayo ang dalaga ay bigla na lang siyang nakaramdam ng hilo, parang umiikot ang kaniyang paligid at nagdilim ang kaniyang paningin. _ "Lea!" tawag ni Carol, lakad takbong lumapit siya rito. "O, bakit?" tanong naman ni Lea, kinipkip sa kili-kili ang tanggang tray, wala na iyong laman. "Nakita mo ba si Cielo? Kanina pa siya nawawala." Napaismid si Lea dahil sa inis kay Carol, daig pa kasi nito ang gwardiya sibil sa higpit ng pagbabantay sa kanila. Nagtataka nga siya kung bakit katulong ang inaplayan nito dahil mas okay kung maging gwardiya ito sa galing magbantay. "Nagbanyo lang masakit daw ang tiyan," tugon niya. Hindi niya alam kung nasaan si Cielo, kanina pa nga rin niya ito hindi nakikita. Ang totoo ay hindi nagbanyo ang kaibigan, gumawa na lamang siya ng dahilan para hindi na mangulit pa si Carol at tigilan na ang paghahanap kay Cielo. _ "Mom, have you seen Hunter? Dumating ba siya?" tanong ni Pierce sa ina. Matatapos na ang party ay hindi pa niya nakikita ni anino ng bunsong kapatid. "I don't know. Nagsabi naman siya sa akin na uuwi ngayong gabi para um-attend sa party mo, but I haven't seen him." Kung si Xander ay gusto laging nasa spotlight, si Hunter naman ay low profile lang. Kahit itinuturing na rin itong celebrity dahil isa itong sikat na basketball player ay pinapanatili pa rin nitong pribado ang kaniyang personal na buhay. Buhat sa pagkakakilala ng mga tao na isa itong playboy ay wala ng iba pang alam ang mga ito tungkol sa kaniya. "I guess he's here, ayaw lang niyang magpakita. Knowing Hunter, takot 'yun sa camera. Lilitaw rin 'yon kapag natapos na ang party, " wika ni Xander. Sumang-ayon naman ang mga ito sa sinabi ng binata, higit kaninuman sila lang ang nakakakilala ng husto kay Hunter. Malalim na ang gabi at unti-unti na ring nagsisipag alisan ang mga bisita. Nagsisimula nang magligpit ang mga kasambahay. Nanggagalaiti naman sa inis si Carol dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin niya nakikita si Cielo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD