Namalayan ko na lamang na nasa loob na kami ng sasakyan at halos paliparin na ito ng mabilis ni baby patungo sa hospital. "Mama, hingang malalim. Malapit na tayo sa hospital," naririnig ko ang mga sinasabi ni ate ngunit halos wala na akong maintindihan. Nanatili lamang akong nakatitig kay Mama na ngayon ay tila nag-aagaw-buhay na. "Sir Yanlee, bilisan mo!" Pakiramdam ko ay bumalik ang nakaraan, ang pagkawala ng mga mahal ko sa buhay at ngayon ay may nagbabadya na namang mawala. Nag-umpisang mangatal ang aking katawan sa hindi ko mapangalanang takot. "A-an-ak." "Ma, huwag ka nang magsalita. Mas mahihirapan ka lang." Mama.....Papa..... "Yanlee, si Avriah!" "Baby, hey. I'm here, come on. Dito ka sa front seat." Nag-umpisang lumabo ang aking paningin. Lumarawan sa aking isipan ang