CHAPTER 48 REAL MOTHER

2134 Words

Nagising akong wala si baby sa aking tabi kaya mabilis akong bumangon at bumaba sa living room. May nalalanghap akong masangsang na amoy na parang nagmumula sa kusina kaya nagtungo ako roon. Nakasalubong ko naman si ate Gina sa pinto na may bitbit na garbage bag. "Bebegirl, itatapon ko lang itong basura natin, ha. Nangangamoy na kasi itong plastic na pinaglagyan ng isda eh. Nakalimutan kong itapon kagabi. Nabubulok na ang amoy." "Sige, ate Gina. Ang baho nga eh," sagot ko naman kasabay nang pagtakip sa aking ilong. "May almusal na d'yan sa mesa at pinagtimpla na rin kita ng gatas mo. Kumain ka na, ha. Mabilis na mabilis lang ako." "Sige po, ate." Kaagad na rin siyang lumabas ng unit. Ako naman ay nagpatuloy sa pagpasok sa kusina at sinumulang buksan ang takip ng mga mangkok na nasa

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD