Lumabas ako sa kusina na dala ang isang mangkok na naglalaman ng pritong saging. Marami naman ito at nakakain na rin si tita Ericka na naiwan pa rin sa kusina hanggang ngayon at abala sa pagluluto. Isang maputing babae ang nakita kong bumaba ng hagdan at nagtungo sa sala kung saan naroroon ang grupo. Napatitig ako sa mapuputi niyang mga hita na litaw sa suot niyang napaka-igsi na short. Kasalukuyan akong nasa kanyang likuran. Baka isa siya sa mga anak ni tita Ericka at gusto ko rin siyang maging kaibigan. "Hellow!" malakas kong bati sa kanya ngunit nagulat ko yata siya dahil halos mapatalon siya kasabay nang paglingon niya sa akin. Kita kong naghabol siya ng hininga habang nakahawak sa kanyang dibdib. "Gusto mo nito? Ako ang nagluto nito," magiliw kong alok sa kanya sa hawak kong mang