Naging malamig ang buo naming gabi. Natiis niya talaga akong hindi yakapin na unang beses lamang niyang ginawa sa akin at nasasaktan ako. Tahimik akong lumuha sa buong magdamag at hindi ko na lamang ipinaramdam sa kanya dahil siguradong kaaawaan niya lamang ako. Madaling araw pa lamang ay pinili ko nang lisanin ang mansion ng mga Delavega ng mag-isa. Naaktuhan ko naman sa labas ang papaalis ng kotse ni Dominic kaya kaagad ko itong hinarang. "Hey, ang aga mo yata. Where's Yanlee?" tanong niya habang nakadungaw sa bintana. Hindi ko siya sinagot at mabilis akong umikot sa kabila. Kaagad kong binuksan ang pinto at pumasok sa loob. "Pakihatid ako sa Nicholas General Hospital." "Ha? B-but.." "Please?" Napansin ko ang pagtitig niya sa akin pero hindi ko siya pinansin. "Did you cry? Hin