WARNING: SPG Ilang days lamang ang lumipas ay lumipad nga kami ni baby patungong Alaska para doon mag-celebrate ng Christmas. Kaming dalawa lang dahil ayaw naman sumama ni ate Gina. May date din daw siya. Siguro ay nagkabalikan na sila nong boyfriend niyang mama's boy. "Ang lamig pala dito, baby! Sobra! Welcome, Alaskaaaa!!!" Nangangaligkig ako sa lamig kahit doble-doble na at makakapal ang suot kong jacket. Makakapal na gloves din ang suot ko sa aking mga kamay. Makakapal na medyas at boots na halos umabot na sa aking tuhod ang suot ko sa aking mga paa. May makapal na balabal sa aking leeg at bonnet sa ulo ko pero pumapasok pa rin sa aking katawan ang lamig. "Painitin na ba kita?" nakangising sabi sa akin ni baby. Naririto kami ngayon sa malawak na park na hindi na halos makita an