Ang mga sumunod pa na linggo ay naging abala na kami ni baby sa preparation ng aming kasal. Nag-attend kami ng mga seminar sa cityhall. Nag-asikaso ng aming mga papeles. Naghanap kami ng magandang simbahan. Nagpagawa kami ng mga invitation cards and souvenirs. Ang mga kaibigan ni baby ang nagpresinta na maging abay sa aming kasal, gano'n din si ate Yana na siyang magiging bridesmaid ko. Ang akala ko ay okay na ang lahat pero muli na namang sumingit si Kulot sa sumasaya ko ng buhay. "Hi! Can I invite you for dinner?" Nagulat ako sa biglaan niyang pagsulpot sa pinto ng aming unit. "Naisip ko kasi na pwede naman tayong maging magkaibigan, 'di ba? Pwede naman, 'di ba? Let's forget everything that happened to us na wala namang kwenta. I've moved on. Everything is so easy for me," malamb