Nasa dulong part kami ng parking lot kung saan wala masyadong dumadaang tao kaya ang lakas ng loob n’yang gawin ‘to. Itinulak ko s’ya palayo sa akin bago pa may makakita kahit na wala naman tao dito ngayon. Ayokong magkaroon ako ng issue sa kanya, hindi sa ganitong paraan ko gustong mapaghiwalay sila ng fiancé n’ya.
“Scared?” tanong n’ya sa akin at pinagtaasan ko s’ya ng kilay.
“I’m not scared Thaddeus, wala naman akong ginagawang masama para matakot ako.” Sabi ko sa kanya.
“Are you sure Lauren?” tanong n’ya sa akin.
“Oo, saka bakit ka ba ganyan? As far as I remember you are engaged!” sabi ko sa kanya.
“I know, wala rin naman akong ginagawang masama at walang kinalaman ang engagement ko rito. May ginawa ba akong ikakasira ng engagement ko ng hindi ko alam?” tanong n’ya sa akin.
Ung ngiti n’ya na ‘yan ay may ibig sabihin. Ramdam na ramdam ko ‘yon lalo na sa mga tingin n’ya pero ang hindi ko maitindihan ay kung bakit n’ya ‘to ginagawa.
“Ibalik mo na lang ung cellphone ko Thaddeus,” sabi ko sa kanya.
“Here,” sabi n’ya at kinuha sa bulsa n’ya ang cellphone ko.
Bakit kailangan pa naming magpunta dito kung all this time nasa bulsa n’ya lang naman ang phone ko? Hindi ko na talaga s’ya maintindihan.
“Anong trip mo?” tanong ko sa kanya.
“About what?” tanong n’ya sa akin.
Napa-irap na lang ako dahil ang hirap n’yang kausap sa totoo lang. “Wala,” sabi ko na lang sa kanya at tinalikuran na s’ya dahil may pasok pa ako.
“Lauren let’s meet later for the project,” sabi n’ya sa akin at pumasok na sa kotse n’ya saka umalis.
Hindi man lang n’ya inintay na pumayag ako at hindi rin n’ya sinabi kung saan. Bahala s’ya sa buhay n’ya, basta ako nasa condo lang at gagawin kung ano ‘yung mga dapat kong tapusin. Bumalik na ako sa room para tapusin lahat ng klase ko ngayon, pagbalik ko rin ay wala na si Phoebe.
Buong maghapon lang ako nag lecture at nagpasa ng mga requirements namin para sa upcoming finals. Konti na lang talaga ay makakapagtapos na ako, matutupad ko na rin ang gusto ko para sa sarili ko. Alam ko naman na pagkatapos kong mag aral ay tapos na rin ang obligasyon ng ama ko sa akin. Hindi ko gugustuhin na magtrabaho sa kompanya nila kahit na pwede naman, ayokong makarinig na naman ako ng masasakit na salita galing sa stepmother ko na para bang inaagawan ko si Abby. Wala akong inaagaw sa kapatid ko dahil alam ko naman kung saan ako lulugar simula pa lang nang tumapak ako sa bahay nila at maging parte ako ng buhay nila.
Pagkatapos kong asikasuhin lahat ng kailangan ko ay umuwi na ako para makapagpahinga ng may kotseng huminto sa harap ko.
“Hop in,” sabi n’ya sa akin pero tinitigan ko lang s’ya. “Phoebe mentioned na wala kang dalang kotse dahil coding ka raw,” sabi n’ya sa akin.
“Chismoso,” sabi ko sa kanya at pinagtaasan s’ya ng kilay.
“H’wag mong intayin na buhatin pa kita d’yan sa kinatatayuan mo para sumakay ka lang sa kotse ko Lauren, uulan na oh!” sabi n’ya sa akin kaya inirapan ko s’ya.
Wala akong nagawa kung hindi sumakay sa kotse n’ya at sumabay sa kanya.
“Amoy babae na naman ang kotse mo Argus,” sabi ko sa kanya.
“Selos ka naman babe,” sabi n’ya saka ginulo ang buhok ko.
“Argus!” reklamo ko sa kanya at tiningnan s’ya ng masama.
Pinagtawanan lang naman n’ya ‘ko. “Bakit ba bigla ka na lang nawawala kagabi? Iniwan lang kita kay Thaddeus nawala ka naman bigla,” tanong n’ya sa akin.
“Umuwi na ako dahil wala naman na akong gagawin ‘don. Mas gusto ko pang matulog sa bahay kesa uminom,” sabi ko sa kanya.
“Lauren sana inintay mo ako para naihatid kita, lasing ka na kagabi.” Sabi n’ya sa akin.
“Hindi mo ako obligasyon Argus saka alam ko naman na busy ka pa at kayang kaya ko naman ang sarili ko kaya ‘wag kang magkunwari d’yan dahil kilala kita,” sabi ko sa kanya.
“Bahala ka kung ano ang gusto mong isipin,” sabi n’ya lang sa akin at inihinto na ang kotse sa tapat ng condominium.
“Thank you for the ride,” sabi ko sa kanya at bumaba na ng kotse n’ya.
“Lauren stay away from Thaddeus,” sabi n’ya kaya nilingon ko s’ya.
“What?” tanong ko sa kanya pero hindi s’ya sumagot at umalis na.
Napailing na lang ako at pumasok na sa loob ng building ng may makasalubong ako. I know her, I saw her once in person. Maganda talaga s’ya at wala akong masasabi do’n.
“Hi!” bati n’ya sa akin na medyo ikinagulat ko.
“Hello,” bati ko rin sa kanya.
“I saw you at the party last time. I’m Lizzy, Thaddeus fiancé,” sabi n’ya sa akin. “Yeah, I know. So, what I can do for you?” tanong ko sa kanya.
“You’re Abby’s friend, I just want to talk to her.” Sabi n’ya sa akin. “Bakit ako ang nilalapitan mo? Pwede ka naman lumapit kay Abby para kausapin mo s’ya,” sabi ko sa kanya.
“Ayaw n’ya kasi akong kausapin,” sabi n’ya sa akin.
“Sorry pero hindi ko naman na kasi problema ‘yon. Kung ano man ang kailangan mo sa kanya, labas na ako do’n.” sabi ko sa kanya.
Labas nga ba talaga ako? “Then just tell her that someone is looking for her,” sabi n’ya sa akin kaya kumunot ang noo ko. “Sino?” tanong ko sa kanya.
“Alam na ni Abby kung sino ‘yon once you mention my name,” sabi n’ya sa akin at umalis na.
Kailangan kong kausapin ang kapatid ko, may alam na kaya si Lizzy sa sitwasyon n’ya? Kasi kung meron mas mapapadali ang lahat para matigil ang kasal nila.
Pumasok na ako sa loob ng unit ko at uminom ng malamig na tubig, sa dami ng ginawa ko ngayon ito ang kailangan ko. Gusto ko rin matulog pero dumagdag lang sa iniisip ko ung sinabi ni Lizzy.
Hindi kaya dapat si Lizzy na lang ang kausapin ko at para matigil ang kasal nila ni Thaddeus? Kung hindi ko makukumbinsi si Thaddeus, I have no choice kung hindi siraan s’ya sa babaeng papakasalan n’ya. Kailangan ko lang naman mapalapit kay Lizzy kung ganon ang gagawin ko.
Alam kong makakasakit ako ng damdamin ng ibang tao pero sila rin naman ang unang nanakit sa kapag ko.
Natigilan ako ng may mag doorbell kaya naman tiningnan ko kung sino ‘yon at napabuntong-hininga na lang ako ng makita kung sino ang nasa labas ngayon. Pinagbuksan ko s’ya ng pinto at pinapasok sa loob.
“What do you need?” tanong ko sa kanya ng makapasok s’ya.
“Gusto lang kitang kamustahin,” sabi n’ya sa akin at gusto ko s’yang pagtawanan dahil do’n.
“Okay lang naman ako, nalaman mo na ung gusto mong malaman kaya pwede ka na pong umalis.” Sabi ko sa kanya.
“Lauren hanggang ngayon ba masama pa rin ang loob mo sa akin?” tanong n’ya sa akin.
“Wala naman po akong sama ng loob sa inyo, ayoko lang na kapag nalaman ni Tita Klaire na nandito kayo at pinuntahan n’yo ako dad magkaroon na naman ng issue. Alam n’yo naman na ayaw n’yang nakikitang magkasama tayong dalawa kasi ang akala n’ya binibilog ko ang ulo n’yo.” Mariing sabi ko sa ama ko.
“Anak kita at kahit anong mangyari hindi na mababago ‘yon,” sabi n’ya sa akin.
“Alam ko naman po na anak n’yo ako hindi n’yo na po kailangan sabihin sa akin ‘yan. Kung wala na po kayong kailangan sa akin pwede na po kayong umalis,” sabi ko sa kanya.
“After your graduation gusto ko magtrabaho ka sa kompanya,” sabi n’ya sa akin.
“Si Abby na lang po,” sabi ko sa kanya. “Ayaw ni Abby na magtrabaho sa kumpanya. She wants to pursue her acting career,” sabi n’ya sa akin.
How can Abby do that kung buntis s’ya? Pero problema na ng kapatid ko ‘yon ang problema ko na lang naman ay kung paano ko s’ya matutulungan sa sitwasyon nila ni Thaddeus.
“So spare tire na naman pala ako dad, ayaw kasi ni Abby kaya sa akin ka lumalapit. Dad ayoko rin na magtrabaho sa kumpanya mo. I want to have my own business na hindi kailangan isumbat ni Tita Klaire sa akin. Ayokong sa tuwing pupunta si tita Klaire sa kumpanya mo at makikita ako puro masasakit lang na salita at paratang ang maririnig ko,” sabi ko sa kanya.
“Lauren, I need you,” sabi n’ya sa akin.
“Dad hindi ngayon, try to convince Abby saka alam ba ni tita Klaire ‘yang inaalok mo sa akin? Baka pagsimulan na naman ng ayaw n’yo ‘yan. Ayokong sumugod na naman s’ya dito tulad noon dahil sa desisyon na ginawa n’yong pag aralin ako kasama ni Abby,” sabi ko sa kanya.
Natatandaan ko pa kung paano ako binuhusan ng malamig na tubig ni tita Klaire dito sa unit ko ng malaman n’yang inilipat ako ni dad sa school ni Abby.
“Pag-uusapan namin ng tita mo ‘yan pero isa kang Villaruz, hindi ko hahayaan na magtrabaho ka sa iba Lauren. Dapat sa kumpanya natin ikaw magtrabaho.” Sabi n’ya sa akin at ngumti ako sa kanya.
“I’m not a Villaruz dad. Alfaro ako, ‘yan ang apelyidong dala ko hindi Villaruz!” sabi ko sa kanya at may tumulong luha mula sa mga mata ko.