Chapter 10 - Lauren POV

1227 Words
Para akong baliw na tumutugon sa halik n’ya hindi ko alam kung dahil ba sa epekto ng alak na ininom ko o dahil sa lambot ng labi n’ya at parang akong tanga na naadik sa labi n’ya. Wala na ako sa tamang pag iisip ko at mas lalo ko pang pinalalim ang halik n’ya sa akin ng ikawit ko ang braso ko sa batok n’ya habang ang mga kamay naman n’ya ay papunta na sa dibdib ko. Natauhan lang ako ng maabot na n’ya ang kawit ng bra kong suot. Mabilis ko s’yang naitulak ng wala sa oras dahil sa ginawa n’ya na ‘yon at nagmamadali akong umalis ng bar. Nawala ang pagkahilo ko dahil sa nangyari at para akong binuhusan ng malamig na tubig sa buong katawan ko. Wala naman sa plano ko ang may mamagitan sa amin ni Thaddeus, gusto kong hindi matuloy ang kasal n’ya pero hindi sa paraan na gagamitin ko ang katawan at sarili ko. Not the same mistake my mother did. Hindi ko alam kung paano ako nakabalik sa condo unit ko ng ganito ang itsura ko, magulo ang buhok ko at nawawala pa ang cellphone ko pero kesa intindihin ko kung nasaan iyon ay mas pinili ko na lang pumasok sa loob ng kwarto at humiga sa kama ko para makapagpahinga na. I tried to close my eyes but the memory of Thaddeus kissing me keep flashing on my mind kaya naman napapadilat na lang ako ng wala sa oras. His soft lips and his addictive scent. Napailing na lang ako at napabangon ng wala sa oras. Kulang ata ako sa inom kaya ako nagkakaganito, ilang araw na rin naman kasi akong problemado dahil kay Abby. Bumangon ako at dumiretso sa kusina para uminom ng tubig. Parang kanina lang lasing na lasing ako tapos ngayon balik na ulit sa normal ang lahat. Hindi ko alam kung anong ihaharap ko kay Thaddeus kapag nagkita kami, ang tanga ko naman kasi para tumugon sa halik n’ya. Hindi ko alam kung lasing din ba s’ya at nagawa n’ya ‘yon sa totoo lang. May fiancé s’ya at maling mali ‘yung ginawa n’ya na ‘yon pero diba kailangan ko silang mapaghiwalay ng fiancé n’ya para sa kapatid ko. “Ahhhh!” inis na sigaw ko dahil nababaliw na ako sa mga iniisip ko. Ilang beses ko ng napag-isipan ang lahat, paghihiwalayin ko sila sa paraang hindi ko gagawin ang ginawa ng nanay ko sa pamilya ng tatay ko. Naging kabit si mama at ayokong mangyari sa akin ‘yon. Hindi ko gugustuhin na maging kabit, hindi ko alam kung ano ang tumatakbo sa isip ni mama at nagawa n’yang pumatol kay dad kaya naging bunga ako. Hanggang ngayon wala akong alam sa rason ng nanay ko pero kahit ano pa man ‘yon mali pa rin. Maling pumatol sa taong may partner na lalo na kung alam mo naman ‘yon dahil kapag nag bunga ang kasalanan na ‘yon hindi lang naman sila ang nahihirapan kung hindi ‘yung bunga ng kataksilan nila. At ako ‘yon, bunga ako ng pagtataksil ng mga magulang ko. Ayoko rin na maranasan ng magiging pamangkin ko ang dinanas ko kung sakali man na matuloy ang kasal ni Thaddeus. Pwedeng ipa-abort ni Abby ang baby at hindi kaya ng konsensya ko ‘yon, hindi ko rin naman sila kayang itagong dalawa hanggang sa makapanganak s’ya para kunin ko ang responsibilidad sa bata pagkapanganak n’ya. Base sa kwento ni Abby s’ya naman ang nauna sa buhay ni Thaddeus at wala naman sigurong masama kapag may bata ng pinag-uusapan dito. Oo, sisirain ko ang kasal nila pero kesa naman may buhay na mawala diba. Mas kakayanin ko atang pigilan ang kasal nila kesa makita ung kapatid ko na nagpapa-abort. Kesa ma-relax ako mas na-stress pa ako kaya ang ending hindi na ako makatulog. Pumasok ako sa klase ko ng walang tulog. Buti na lang talaga at nagkape ako dahil kung hindi baka kanina pa ako nakatulog sa sobrang antok. Nakakaisang subject pa lang ako pero ramdam ko na ung antok ko, gustohin ko man na umuwi na pero hindi pwede dahil major subjects ang klase ko ngayong araw. “Okay ka lang ba sis?” tanong ni Phoebe sa akin ng makita n’ya ako. “Inaantok ako,” sabi ko sa kanya. “Nawala ka kagabi at naloka si Argus kakahanap sa’yo tapos hindi ka pa namin matawagan.” Reklamo n’ya sa akin. Paano nga naman ako matatawagan eh hindi ko nga rin alam kung nasaan ung phone ko! “Umuwi agad ako kagabi dahil may kailangan pala akong tapusin tapos nawawala ung phone ko kaya hindi ako nakatawag sa inyo,” sabi ko sa kanya. “Sis ung phone mo si Thaddeus ang may hawak, natigil lang sa paghahanap si Argus sa’yo nung sabihin ni Thaddeus na umuwi ka na raw dahil nagmamadali ka.” Sabi ni Phoebe sa akin. Kung kanina para akong zombie ngayon naman nabuhay ang katawang lupa ko ng sabihin n’ya ‘yon. Paano ko kukuhanin kay Thaddeus ‘yung phone ko kung hindi ko nga alam kung paano ako haharap sa kanya pagkatapos ng nangyari kagabi. “Bakit nasa kanya?” tanong ko kay Phoebe. “Kasi s’ya ung huli mong kasama ayon kay Argus,” sabi nito sa akin kaya napatampal ako sa noo ko. “Mukhang may nangyari kagabi na hindi ko alam ah,” sabi n’ya pa. “Wala,” sagot ko sa kanya pero tiningnan n’ya lang ako at ngumiti. Alam kong hindi s’ya naniniwala sa akin kaya napairap na lang ako. “Speaking of Thaddeus,” sabi ni Phoebe at lumingon sa likod ko kaya napatayo tuloy ako ng ditretso. “Thaddeus!” tawag ng magiling kong kaibigan sa tao. “Hi Phoebe and Ms. Alfaro,” bati n’ya sa amin. Awkward na ngumiti lang ako sa kanya. “Ang formal naman ng last name ang tawag mo ah, parang di mo kilala si Lauren!” sabi ni Phoebe kay Thaddeus. “Mukhang mas gusto n’yang tawagin ko s’ya sa apelyido n’ya kesa sa first name n’ya Phoebe,” sabi nito at tinitigan ako. Mabilis naman akong nag iwas ng tingin sa kanya. “Call me whatever you want but please can I have my phone back,” sabi ko sa kanya at nilahad ang kamay ko. “Come with me then,” sabi n’ya at hinila ako palabas ng room. Nakarating kami sa may parking lot at sa palagay ko nasa kotse n’ya ang phone ko kaya kami nandito. “Pwede ko na bang makuha?” tanong ko sa kanya. “Get in,” sabi n’ya sa akin kaya kumunot ang noo ko. “Ano?” Tanong ko sa kanya. “Ibibigay ko ung phone mo kung sasama ka sa akin,” sabi n’ya. “Sumama na nga ako sa’yo rito diba.” Sabi ko sa kanya at pinagtaasan s’ya ng kilay. Lumapit s’ya sa akin kaya napaatras ako hanggang sa napasandal ako sa pinto ng kotse n’ya. Mas inilapit pa n’ya ang mukha n’ya sa akin kaya pumikit agada ko. “Don’t be scared, I won’t bite you. I just need you to join me.” Bulong n’ya sa tenga ko kaya napadilat ako “But I can kiss you, your lip is inviting me again to kiss you” bulong pa n’ya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD